TV

Jennylyn Mercado, pinuri ang co-star na si Xian Lim sa upcoming series na 'Love. Die. Repeat'

By Aimee Anoc

Sa panayam sa 24 Oras nitong Martes, pinuri ni Jennylyn Mercado ang katambal na si Xian Lim bilang isang magaling na aktor sa upcoming GMA series na Love. Die. Repeat.

Kahit na unang beses pa lang na magkakatrabaho sa isang serye, kita na agad ang nabuong magandang samahan nina Jennylyn at Xian sa kanilang mga biruan at tawanan sa set.

"Happy ako dahil masayang kasama si Xian, magaling na aktor," pagbabahagi ni Jennylyn tungkol sa kanyang leading man.

"Since this is our first day, first time naming magkaeksena, first time naming mag-face to face and stuff so nakakatuwa lang. It's a different feeling with Jennylyn, sina direk and everyone else," komento naman ni Xian Lim.

Gaganap sina Jennylyn at Xian bilang mag-asawang sina Angela at Bernard. Sa clip na nakuha ng GMA News mula sa mga eksena nina Jennylyn at Xian, makikita sa video na wala na silang ilangan sa kanilang trabaho.

"'Yun 'yung isa sa mga eksena na bago pa lang kaming kasal ni Bernard," ayon kay Jen.

"Hindi nawawala 'yung pag-uumapaw ng pag-ibig nina Bernard at Angela. Nagkataon lang talaga na may nangyari in between katulad sa mga, 'yun nga, magkakaroon talaga ng problema ang mag-asawa," sabi ni Xian.

Excited na rin sina Jennylyn at Xian sa mga mangyayari pa sa mga eksena nila sa taping hanggang sa maipalabas na ang kanilang serye.

"I'm really looking forward sa mga eksena, kasi itong ginagawa naming istorya, aside from the love story itself, iba't ibang genre 'yung napasok dito," pagbabahagi ni Xian.

"First time makakanood ng mga tao ng ganitong klaseng istorya. Excited ako sa magiging reaction nila," sabi naman ni Jennylyn.

Ilan pa sa mga artistang kasama sa serye ay sina Gardo Versoza, Mike Tan, Myrtle Sarrosa, Samantha Lopez, Valerie Concepcion,Victor Anastacio, at Lui Manansala.

Samantala, tignan sa gallery sa ibaba ang ilan sa pogi photos ni Xian Lim: