
Nagulantang ang avid viewers ng Ang Dalawang Ikaw sa huling eksena sa pagtatapos ng GMA drama na ipinalabas ngayong Biyernes, September 10.
Sa pagwawakas ng serye, mapapanood na nasa beach sina Nelson (Ken Chan) at Mia (Rita Daniela) habang hawak ang kanilang sanggol na anak.
Habang may sweet moment ang maliit na pamilya sa beach, sumulpot ang karakter ni Chloe, na ginampanan ni Angela Alarcon, anak ng dating action star na si Jestoni Alarcon.
Tinawag ni Chloe si Nelson sa pangalang Boyet na ikinalito ng fans. Tinawag din ang lalaking bida sa mga pangalan nitong Nelson at Tyler.
Ayon kay Chloe, siya raw ang nanay ni Robert, Jr.
Nabitin ang fans sa cliffhanger ng Ang Dalawang Ikaw kaya naman nabuo ang mga haka-haka na posibleng may book two ang GMA series.
Palagay ng ilang viewers, si Nelson ay mayroong iba pang alter personality--si Boyet--bukod kina Tyler at Major Alberto, at si Chloe ang nobya ni Boyet at nanay ng anak nilang si Robert, Jr.
Ay shet so ibig sabihin naging alter si Boyet? Akala ko palayaw nung Robert Jr yon.
-- 𝐉𝐨𝐬𝐡𝐚𝐛𝐞𝐥 🌻✨ (@Jshbl_) September 10, 2021
At kung alter si Boyet, si Chloe yung nanay ni Robert Jr?
Kaloka 'tong plot twist, sakit sa ulo hahaha. So 3 yung alter ni Nelson. Si Tyler, Major A at Boyet.#ADIPagwawakas https://t.co/DLUuBcLgG2
Kung para sa ilan ay magandang plot twist ang pagpasok ni Chloe, may ilang viewers din ang nakikisimpatya kay Mia kung sakali mang magkakaroon ng ikalawang season ang Ang Dalawang Ikaw gaya ng viewer na ito:
Kung may book two man, paano kaya magiging takbo ng story? Si mia na naman ba masasaktan dito? Ako na yung napapagod para kay Mia huhu#ADIPagwawakas
-- rk_æ✨ (@Faajjeen) September 10, 2021
ADI Finale
Ilang beses ding natanong ang direktor ng Ang Dalawang Ikaw na si Jorron Lee Monroy tungkol sa possible extension ng serye pero tikom ang bibig nito.
Gayunpaman, kung magkakaroon man ng book two o hindi ang serye, for sure ay aabangan muli ang pagtatambal nina Ken at Rita sa telebisyon.
Pero bago 'yan, mapapanood muna sila muli bilang journey hosts ng bagong season ng GMA singing competition na The Clash na ipapalabas soon.