GMA Logo Pokwang and Aira Bermudez
What's Hot

Pokwang, game na nakipag-showdown kay Sexbomb Aira

By Jimboy Napoles
Published September 16, 2021 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Police: 3 cops shot at Negros Oriental bar came with suspect
Cambodian, South Korean police arrest 26 for alleged scams, sex crimes, Blue House says
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang and Aira Bermudez


Hindi nagpaawat si Pokwang na gayahin ang powerful #Baile dance video ni Sexbomb Aira.

Humataw sa pagsayaw si Kapuso comedienne Pokwang sa kaniyang recent TikTok video kung saan ka-duet niya si Sexbomb Aira. Ang kanila lang namang isinayaw ay ang classic dance craze na #Baile.

Bukod sa parehong outfit na all-black blouse and shorts, high-cut rubber shoes, at checkered long sleeves na itinali sa bewang, kuhang-kuha rin ni Pokwang ang dance steps at galawan ni Aira. Maging ang “attitude” sa pagsayaw, kopyang-kopya rin.

@mamangpokwang27

#duet with @airabermudez ewan ko sayo Airaaaaaaa!!!!!! sakit sa buto buto!!!

♬ original sound - JHOVS (DjFrancine) 🎧🎶🎵🇵🇭

Ang TikTok video na ito ni Pokwang na umabot na sa 1 million views at i-pinost niya rin sa kaniyang Instagram account. Sa kaniyang caption, talagang sumakit daw ang kaniyang buto at laman sa pagsayaw at pagsabay kay Aira kaya nagbiro pa ito na kailangan niyang uminom ng gamot para rito.

Pero ang ilang celebrities na nakapanood sa kaniyang dance video hindi napigilang mag-comment.

Sabi ni OG kontrabida Gladys Reyes, “Jusko ate @itspokwang27 grabe tawa at mangha ko sa galing mo sumayaw! nahiya si @airabermudez sayo e (laughing emoji).”

Pati ang kaniyang co-star sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento na si Sef Cadayona, napa-wow ni Pokwang : “GRABE GALING!”

Pati ang ka-showdown niya na si Sexbomb Aira, bumilib sa dancing skills ni Pokie.

Narito pa ang ilang bilib comments ng mga kaibigan ni Pokwang.

Isa si Pokwang sa mga dating Kapamilya na nahanap ang kanilang bagong tahanan sa GMA Network. Ang iba pang Kapamilya-turned-kapuso stars, silipin sa gallery na ito: