Showbiz News

Mikee Quintos at Kelvin Miranda nagpakilig sa IG stories habang naka-out of town

By Bong Godinez

Hindi mapigilan ng fans nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda na kiligin matapos mag-post ng videos ang actress-singer na nagpapakita na magkasama sila sa isang out of town location.

Makikita sa Instagram Stories ni Mikee ang ilang clips nila ni Kelvin.

Bakas naman sa mukha ni Mikee ang saya na muling makita at makasama ang The Lost Recipe leading man.

“Na-miss kita,” sabi ni Kelvin kay Mikee sa isang video habang nagpapa-makeup ang dalaga.

Sa isang video naman ay makikita si Mikee na naglalakad habang nakasunod sa likod si Kelvin.

Photo by: mikee (IG)

Walang nabanggit ang dalawang Kapuso stars kung bakit sila magkasama at kung para sa anong proyekto ang kanilang ginagawa.

Nanatiling malapit sa isa't isa sina Mikee at Kelvin kahit natapos na ang The Lost Recipe nung Marso ng taong ito.

Sa kasalukuyan ay napapanood ni Kelvin sa new drama mini-series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette kasama ang bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez.

Si Mikee naman ay lumalabas sa comedy sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Samantala, available for pre-order sa iTunes ang upcoming single ni Mikee under GMA Playlist na pinamagatang “Just Enough.”

Sa September 24 ang launching ng nasabing awitin at very busy sa Mikee during these past days sa paglalabas ng teasers kaugnay sa bago niyang single.

Muling balikan cute moments nina Mikee at Kelvin sa The Lost Recipe sa gallery na ito.