Showbiz News

Mark Herras at Nicole Donesa, ikinasal na!

By Racquel Quieta

Ikinasal na ang Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Naganap ang kanilang civil wedding ceremony noong September 8 at si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nagkasal sa kanila.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Nicole, “We tied the knot on Mama Mary's birthday.”

Samantalang si Mark naman ay nag-post ng: “Got married. Hi Mrs. Herras.”

Nito lamang January 31 ay isinilang ang kanilang anak na si Mark Fernando, na kanilang binansagang Baby Corky.

Unang nagkatrabaho sina Mark at Nicole sa Kapuso series na Bihag at isina-publiko nila ang kanilang relasyon noong June 2019.

Noong June ng nakaraan taon inanunsyo nina Mark at Nicole ang kanilang engagement at noong September 2020 naman nila ipinaalam na nagdadalang-tao na si Nicole.

Congratulations and best wishes, Mark Herras and Nicole Donesa!

Tingnan ang mga nakatutuwang larawan nina Mark Herras at Nicole Donesa kasama si Baby Corky.