Showbiz News

Makulay Ang Buhay: Usapang food safety with Food Inspec-Thor

Ngayong 2021, muling inihahandog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang 'Mom C' kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.

Sa September 18, 2021 episode ng Makulay Ang Buhay, pinag-usapan nila ang kahalagahan ng kalinisan sa pagkain kasama ang Food Inspec-Thor na si Gil Cuerva.


Maaari kasing maging sanhi ng foodborne diseases, gaya ng diarrhea, ang hindi paghuhugas ng kamay bago kumain, bagay na madalas makalimutan ng Team Bahay kids.

Kaya naman para sa Lutong Nanay recipe ni Mom C, naghanda siya ng pagkaing mayaman sa fiber, na nakakatulong sa paggalaw ng tiyan, at magnesium, na nagpapalakas ng muscles--ang ginisang sayote with sotanghon.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa food safety at foodborne diseases, panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa video sa itaas. Kung hindi naglo-load ang video nang maayos, maaari itong i-stream DITO:

Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8:00 a.m, sa Makulay Ang Buhay sa GMA.

Kung ma-miss n'yo man ang programa sa umaga, don't worry dahil maaaring balikan ang full episodes ng Makulay Ang Buhay sa GMANetwork.com o GMA Network app, Facebook.com/gmamakulayangbuhay, at GMA Playground YouTube channel.