
Ikinagulat ng mga netizen ang biglaang pagkawala ng posts sa Instagram account ng aktres na si Yen Santos ngayong Huwebes, September 23.
Matatandaan na nadawit ang pangalan ni Yen sa isyu ng hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis, matapos ang premiere ng kanilang pelikula na Faraway Land sa Netflix kung saan katambal niya si Paolo.
Sinundan pa ito ng mga kumalat na larawan nila ng aktor kung saan makikitang magkasama sila sa Baguio, ilang araw lang din matapos kumpirmahin ni LJ na hiwalay na sila ng aktor.
Sa isang post, nilinaw naman ni Paolo na walang kinalaman si Yen sa breakup nila ni LJ at inimbitahan niya lang aktres sa Baguio bilang kaibigan.
Sa ngayon ay nasa New York si LJ kasama ang kaniyang dalawang anak na sina Aki at Summer. Ginulat naman ni LJ ang kaniyang fans sa kaniyang recent New York Fashion Week photoshoot at new hairstyle.
Narito naman ang ilang mga larawan nina Paolo at LJ bago ang kanilang naging breakup: