Showbiz News

Alden Richards, pinaiyak si Betong Sumaya?

By Racquel Quieta

Hindi inaasahan ng Kapuso comedian at TV host na si Betong Sumaya na mapapadaan ang Asia's Multimedia Star at The World Between Us lead actor na si Alden Richards sa kanyang live online selling. At mas lalong nagulat siya sa sinabi nito sa kanya.

Sa kanyang Facebook live video kahapon, September 25, inialok online ni Betong for sale ang kanyang pre-loved items at for bidding naman ang ilan sa kanyang mga koleksyon, kabilang ang mga Coca Cola at Marvel collectibles.

At sa isang punto ng kanyang live selling, nagulat siya nang may isang nagngangalang RJ Richards ang nag-message sa kanya.

“Magkano lahat ng ibebenta mo diyan? RJ Richards,” ani Betong habang binabasa ang mga komento online.

Sandaling natahimik at napaisip si Betong, at nagulat nang mapagtanto niyang baka si Alden ang kanyang kausap. “RJ Richards? Ha?! Alden, ikaw ba 'yan?”

Tumugon naman si Alden ng: “Magkano lahat ang ibinebenta mo diyan, Bets?”

Napasigaw naman si Betong nang makumpirmang si Alden nga ang kausap.

“Siya yun! Ay si Alden nga talaga ito! My God, Alden! Grabe naman 'to!”

At mas lalong nagulat si Betong nang sabihin ni Alden na, “Bigyan mo ako ng P40K (worth).”

Maluha-luha si Betong at halos 'di makapaniwala sa ginawa ni Alden.

“Sige, Alden. Naiyak naman ako dun, Alden. Sige, Alden. Oh my goodness, Alden. Napaiyak mo naman ako dun. Oh my god, Alden, thank you.”

Naging emosyonal si Betong Sumaya nang mapadaan si Alden Richards sa kanyang live selling online / Source: Alberto S. Sumaya, Jr. (FB)

At nang sinabi ni Betong na ipapa-compute niya ang kanyang mga binebenta para maibigay ang P40,000 worth of items na request ni Alden, muling nagulat ang komedyante dahil biglang pumasok sa GCash account ang bayad ng aktor.

Pasigaw na nasambit ni Betong, “Hala! Nagbayad na!”

Kaya naman naluha si Beting nang muling magpasalamat kay Alden.

“Den, salamat, Den ha? From the bottom of my heart and my soul, maraming salamat.”

Dagdag pa ni Betong na naiyak siya hindi lamang dahil sa laki ng halaga ng binili ni Alden kung hindi sa likas na kabutihang-loob nito.

“Hindi kasi 'yun sa amount of money. Naiyak ako sa kabaitan mo kasi hindi ko ine-expect pero thank you.

“Ang dami na naming napagsamahan ng taong 'yan. Napaka-generous na tao. Ayaw niya 'yung binobroadcast 'yung mga naitutulong niya.”

Panoorin ang aktwal na live selling video ni Betong kung saan biglang napadaan si Alden Richards at bumili ng P40,000 worth of items. Ini-upload ni @itsmcronald sa TikTok ang moment kung saan bumili si Alden kay Betong.

@itsmcronald

More Blessings are coming for this loving and humble guy! 💙✊🏻 #AldenRichards #aldenrichards02 #asiasmultimediastar #itsmcronald #fypシ #fyp #foryou #tiktok

♬ original sound - itsmcronaldᴬᴰᴺ🎩💚

Speaking of collectibles, tingnan ang espesyal na koleksyon ni Alden Richards at iba pang celebrities sa gallery na ito.