Showbiz News

Dance videos ni Sexbomb Aira Bermudez, humahakot ng milyun-milyong views sa Tiktok

By EJ Chua

Trending ngayon ang dance videos ng Sexbomb ring leader na si Aira Bermudez.

Humahakot kasi ng milyun-milyong views at likes ang mga content niya sa kanyang TikTok account.

Isa na rito ang “Like a river” dance video ni Aira na umabot na ng 27.8 million views at 2.9 million likes.

@airabermudez Kaldag 😉 (dc: ctto) #fypage ♬ RIVER KALDAGAN CHALLENGE - Jeremiah Custodio

Bukod sa kinagigiliwan ito ng netizens, napansin din ng American comedienne na si Rosie O' Donnell ang excellent dancing skills ni Aira.

@rosie #duet with @airabermudez tried to do this n pulled 3 muscles - #old ♬ RIVER KALDAGAN CHALLENGE - Jeremiah Custodio

Sa naging panayam ng Unang Hirit barkada kay Sexbomb Aira, ibinahagi nito ang tuwang naramdaman nang mapansin siya ng sikat na comedienne.

Ayon kay Aira, “Sobrang happy ako kasi lahat naman tayo nagke-create ng content para ma-notice at ma-appreciate…Kaya sobrang blessing sa akin na mapansin worldwide, especially si Rosie O' Donnell.”

Isa rin sa humahakot ng milyun-milyong views ngayon ay ang “Baile” dance video ni Aira.

Sa kasalukuyan, nasa 2 million na ang views nito.

Hindi naman nagpahuli ang Kapuso comedienne-actress na si Pokwang kay Aira Bermudez.

Nakipag-dance duet kasi si Pokwang sa video ni Sexbomb Aira at ngayon ay kinagigiliwan din ito ng netizens.

Ang “Baile” showdown ng dalawa ay mayroon ng 1.8 million views sa TikTok account ni Pokwang.

@mamangpokwang27 #duet with @airabermudez ♬ original sound - JHOVS (DjFrancine) 🎧🎶🎵🇵🇭

Lubos namang nagpapasalamat si Aira kay Pokwang dahil sa suporta nito sa kanyang dance videos.

“Si Mamang Pokwang sobrang love na love ko 'yan kasi very supportive talaga siya kasi syempre sikat na artista siya tapos game na game siya gawin 'yung mga ginagawa kong dance. Sobrang thankful ako sa kanya. At talagang nagte-trending 'yung sayaw, kahit ako natutuwa kay Mamang Pokwang sumayaw,” sabi ni Aira.

Dahil sa kanyang walang kupas na husay sa pagsayaw, patuloy pang nadadagdagan ang kanyang followers.

Sa kasalukuyan, 1.4 million na ang followers ni Sexbomb Aira Bermudez sa kanyang TikTok account.

Kilalanin ang Sexbomb members na certified mommies na ngayon sa gallery na ito.