GMA Logo Bianca Umali
What's Hot

Bianca Umali, pumila ng madaling araw para magparehistro sa pagboto

By Marah Ruiz
Published September 27, 2021 7:08 PM PHT
Updated October 3, 2021 8:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Police: 3 cops shot at Negros Oriental bar came with suspect
Cambodian, South Korean police arrest 26 for alleged scams, sex crimes, Blue House says
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Matapos ang proseso na umabot ng 13 hours, registered voter na si Bianca Umali.

Rehistrado na bilang botante para sa 2022 elections si Kapuso actress at Legal Wives star Bianca Umali.

Ayon sa aktres, madaling araw pa lang ay pumila na sila ng kanyang nakababatang pinsan sa isang sikat na shopping mall para magparehistro.

Umabot ng 13 hours ang pagproseso ng lahat ng kailangan nila, pero sulit daw ito para kay Bianca.

"Mula alas tres ng umaga na nagsimula ang araw namin, hanggang alas quatro ng hapon na natapos namin ang lahat lahat - Sa wakas, isa na akong ganap na REHISTRADONG BOTANTE, ang sarap sa puso!" sulat ni Bianca sa kanyang Instagram account.

Pinaalala din niya ang kahalagahan ng pagboto.

"Ang pagboto natin tuwing eleksyon ay nagpapakita ng ating pakikilahok sa paghangad ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para sa buong bansa. Ito ay ating karapatan at kailangang gampanan. Tungkulin at pananagutan natin ito bilang mga Pilipino," lahad niya.

Source: bianxa IG

Hinikayat din ni Bianca ang kanyang mga followers na magparehistro na rin.

"I had my cousin, my forever baby Samantha , register with me. Nakakaproud! I hope I get to encourage you too! Sama-sama nating mahalin ang Pilipinas, bumoto tayo!" ani Bianca.

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

Nakatakda ang deadline ng voter registration para sa 2022 national at local elections sa September 30.

Makailang beses din tumanggi ang Commission on Elections (Comelec) na i-extend ang voter registration. Sa halip, mas hinabaan nila ang oras kung kailan maaaring magparehistro at nagbukas ng registration sites sa ilang shopping malls.

Samantala, inaprubahan na ng Senado ngayong araw, September 27, ang Senate Bill No. 2408 na naglalayong iurong ang deadline ng voter registration hanngang October 30.