
Sa isang Twitter thread, hindi naiwasang itanong sa OPM icon na si Ely Buendia kung posible ba na magkaroon muli ng reunion ang dati niyang banda na Eraserheads matapos ang ilang taon na pagkawala nito sa musical scene.
'Hi sir Ely! May pag asa pa po kaya magkaroon ng Eheads reunion?' tanong ni @jaydemaps.
Ito naman ang naging sagot ni Ely:
“Pag tumakbo si Leni.”
Source: elybuendia9001 (Twitter)
Posibleng mabuo ulit ang kanilang band, kung tatakbo raw si Vice President Leni Robredo sa darating na #Eleksiyon2022.
Matatandaan na kamakailan lang, umugong ang isyu na hindi raw talaga 'close' ang mga miyembro ng Eraserheads kahit pa ang ilang awitin nila gaya ng 'Minsan' ay tungkol sa pagkakaibigan. Bagay na kinumpirma mismo ni Ely at ng kasama niya sa banda noon na si Raymund Marasigan.
Nilinaw naman ng dating Eraserheads frontman na ang kanyang political views ay hindi nangangahulugang kapareho sa mga sinusuportahan ng kanyang former bandmates.
DISCLAIMER: MY POLITICAL OPINIONS ARE MY OWN AND I DO NOT REPRESENT THE VIEWS OF THE ERASERHEADS' MEMBERS.
-- Ely Buendia (@elybuendia9001) September 28, 2021
Samantala, sa parehong tanong, may isa pang sagot si Ely.
“Pag nag reunion 4 of spades”
Source: elybuendia9001 (Twitter)
Ang 'IV of Spades' ay ang banda sa likod ng sikat na awiting 'Mundo.' Taong 2018, inanunsyo ng kanilang frontman noon na si Unique Salonga na aalis na siya banda para i-pursue ang solo career. Ilang taon matapos ito inanunsyo na ng grupo kabilang si Badjao De Castro, Zild Benitez, at Blaster Silonga na pansamantala muna silang magpapahinga.
Samantala, narito pa ang ilang controversial pinoy band breakups: