Showbiz News

Gloc-9, inalala ang masayang sandali kasama si National Artist for Literature Bienvenido Lumbera

By Jimboy Napoles

Ngayong Martes, September 28, kinumpirma ang pagpanaw ni National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera. Bukod sa kaniyang pamilya at mga malalapit na kaibigan, may ilang showbiz personalities din ang nalungkot sa balitang ito kabilang na ang OPM icon na si Gloc-9.

Sa isang instagram post, binalikan ni Gloc-9 ang hindi niya malilimutang sandali kasama ang yumaong National Artist.

Isa raw si 'Tatay Bien' sa mga nakipila noon sa launch ng kaniyang isang album. Kahit mahaba ang pila, hindi raw natinag si 'Tatay Bien', masiguro lang na mapipirmahan ni Gloc-9 ang kaniyang biniling CD.

“2011 Launch ng Mknm (Mga Kwento ng Makata) album sa eastwood. Tapos na ang show pirmahan na ng cds ng lahat ng bumili. As always kahit abutin kami ng hating gabi dapat maisign ko lahat ng mga bumili ng cds. May isa sa mga kaibigan namin ang nag sabi sa akin “Aries kilala mo ba si Tatay na may edad na na nakapila? National artist natin yan! Si Bienvenido Lumbera” At doon po nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Tatay Bien.” kwento ng OPM icon.

Ang masayang encounter na ito ng dalawa, ipinost pa noon ni Gloc-9 sa social media.

source: glocdash9 (instagram)

Nagpasalamat din ang Filipino rapper sa pagmamahal at mga aral na ibinigay sa kanya ng kaniyang 'Tatay Bien'.

“Maraming Salamat Itay sa lahat ng payo at pagmamahal ninyo sa amin! Hanggang sa Muli po Tatay Bien! Ang aming lubos na pakikiramay sa mga naiwan at mga minamaha,l” dagdag niya.

Si Bienvenido Lumbera ang may akda ng ilang mga mahahalagang libro tungkol sa literaturang Pilipino. Gaya ng “Philippine Literature: A History and Anthology” at “Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions.”