Showbiz News

Rabiya Mateo after the accident on stage: 'Once you [fall], you have to stand up'

By EJ Chua

The show must go on! Kahit aksidenteng napaluhod ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo sa kalagitnaan ng kanyang final walk, napahanga pa rin niya ang netizens at ang kanyang supporters sa quick at graceful na pagtayo nito matapos ang eksena on stage.

Courtesy: ViralKnights (Facebook)

Matapos ang hindi inaasahang eksena, marami pa ring nag-cheer at nag-paabot ng positive reactions para kay Rabiya Mateo habang isinasagawa ang tribute segment nito sa pagtatapos ng kanyang reign sa mismong coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 kagabi.

Tumatak rin sa ilang netizens ang sweet reminder ni Rabiya kasunod ng aksidenteng pagkakaluhod nito on stage, “Once you [fall], you have to stand up.”

Narito ang ilang positive reactions ng netizens tungkol sa nangyari kay Rabiya:

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang host na si KC Montero na tanungin si Rabiya tungkol sa mga plano nito kasunod ng pagtatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe Philippines 2020.

Ayon sa Ilongga beauty queen, tuluy-tuloy na ang pagpasok niya sa entertainment industry.

Nagbiro pa si Rabiya kay KC Montero na aagawin niya raw ang trabaho nito bilang host ng Miss Universe Philippines.

Binalikan naman ni Rabiya ang kanyang journey bilang Miss Universe Philippines 2020 winner.

Kasabay ng kanyang final walk ay ibinahagi rin niya ang kanyang saloobin.

“It was a mix of emotions. I was very happy but at the same time since it's pandemic, I didn't have an actual crowning moment but I think it's a good thing also because you don't want to see my ugly cry...

"I want to be remembered as somebody who gave her everything to make the Filipinos proud. I am Rabiya Mateo, Miss Universe Philippines 2020.”

Balikan ang stunning photos ni Rabiya sa Miss Universe 2020 competition sa gallery na ito:

Mapapanood ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 sa Linggo, 9 a.m. sa GMA Network.