
Bukod sa pasabog na performances ng Miss Universe Philippines 2021 candidates, naging usap-usapan din sa social media ang aksidenteng pagkakaluhod ni Rabiya Mateo sa kaniyang final walk sa nagdaang coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.
Sa “Queen-tuhan” sa Unang Hirit ngayong Lunes (October 4), ikinuwento ni Rabiya ang dahilan ng kaniyang pagkakaluhod sa kaniyang final walk habang pa-exit na sa stage.
Pag-amin ni Rabiya, “Ako aminado po talaga ako na lampa po talaga ako”.
“So during that time, natapakan ko yung gown ko tapos dumire-diretso ako,” dagdag pa niya.
Kwento pa ng Ilongga beauty, nasa harapan pa raw noon si Miss Universe Philippines 2014 at Eat Bulaga Dabarkads na si MJ Lastimosa na malapitang nakakita sa kaniyang “beauty fall” moment.
“That time si MJ Lastimosa, she was sitting in front kung saan ako nadapa, and I heard her saying Oh, oh oh,” kwento niya.
Paglilinaw naman ng pinay beauty queen, “It happens all the time talaga, that's why for me, it's not a big deal kasi nga minsan kahit naka-tsinelas ako talagang nadadapa ako.”
“Ang dami ring nagjo-joke sakin sabi nila, baka talagang sinadya mo na magpakahulog ka para trending ka ulit kahit pa-exit ka na,” kwento pa niya.
Samantala, inamin din ni Rabiya sa Unang Hirit hosts na sina Lyn-Ching Pascual at Suzi Entrata-Abrera na malapit na siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network at excited na siyang maging ganap na Kapuso.
Balikan ang naging Miss Universe 2020 pageant journey ni Rabiya sa gallery na ito: