
Malinaw na sinabi ni Kim Atienza na hindi niya papalitan si Nathaniel 'Mang Tani' Cruz sa "IMReady" forecast ng 24 Oras ngayong isa na siyang ganap na Kapuso.
Matapos na pumutok ang balita tungkol sa "Kuya" na magiging isang bagong Kapuso, nag-trending din sa social media si Mang Tani.
Dahil sa matagal-tagal nang hindi napanonood si Mang Tani sa pagbibigay ng weather report sa GMA News, lumabas ang espekulasyon na maaaring si Kuya Kim na ang susunod na magiging weatherman.
Pero agad itong pinabulaanan ni Kuya Kim, "I will not be doing weather because you have the best weatherman in the Philippines. You have Mang Tani."
Noong Lunes sa 24 Oras, nagpaabot si Mang Tani ng pagbati para kay Kuya Kim. Kasalukuyang nasa Melbourne, Australia, si Mang Tani kasama ang kanyang pamilya.
"Hi, pwede na kitang tawagin ngayong Kapusong Kuya Kim. Welcome," pagbati ni Mang Tani.
"Natatandaan mo ba 'yung matagal na matagal na panahon na magsisimula ka sa bagong trabaho mo no'n at ako naman ay nasa PAGASA? Matagal na 'yon, pero ngayon, magkakasama na tayong dalawa. Definitely, you will enjoy itong Kapuso network. Kapusong Kuya Kim, welcome!" dagdag niya.
Ngayong isa ng Kapuso si Kuya Kim, magiging bahagi siya ng 24 Oras, Mars Pa More, at Dapat Alam Mo.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Samantala, kilalanin sa gallery na ito si Kim Atienza: