Showbiz News

Ilang local celebrities at social media influencers nag-react sa #FacebookDown

By Jimboy Napoles

Mahigit anim na oras ang itinagal ng Facebook outage bago ito naayos, kaya ang ilang celebrities at social media influencers sa Twitter nagpalipas oras at nagbigay ng kanilang reaksyon kaugnay sa #FacebookDown.

Ang aktres na si KC Concepcion na kasalukuyang nasa Amerika, naglaba na lang daw dahil hindi magamit ang mga paboritong apps.

“What did you guys do when FB, IG, and WhatsApp were down? Ako nag laba nalang” tweet ni KC.

Napabalik naman sa Twitter world ang actress at TV host na si Anne-Curtis Smith matapos hindi gumana ang Facebook at Instagram.

“Hello everyone! Welcome back to the Twitter world. Hahaha” post ni Anne.

Pati ang ilang sikat na local social media influencers may iba't ibang reaksyon din kaugnay sa biglaang pagkawala ng Facebook gaya ng vlogger couple na "JaMill" na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

Katulad ng ilang social media users, akala rin daw ni Camille ay internet connection nila ang may problema kaya hindi niya magamit ang mga application.

“Jusko po refresh ako ng refresh. kala ko naman wifi namin 'yung sira #facebookdown #instagramdown” tweet ni Camille.

Sa pagaakalang wifi connection ang problema, nag-load pa raw ang vlogger para makapag-mobile data. “ang malala pa guys nag load pako HAHAHAHAHA” dagdag pa niya.

Ang boyfriend niya naman na si Jayzam, kinumpara ang pagiging unavailable ng Facebook sa pagkawala ng Math Textbook.

“Taranta agad 'pag nawala si Facebook. Pero pag 'yung Math book nawala, wala tayong kapake pake” nakatutuwang tweet ni Jayzam.

Ang "Kakaibabe" singer at YouTube vlogger naman na si Donnalyn Bartolome, pabirong nag-tweet na hindi raw siya affected sa Facebook outage.

“Buti nalang wala akong jowa, di ako affected sa #facebookdown #instagramdown” ani Donnalyn.

Agad naman na nag-reply dito ang kaniyang kaibigan at dating Owe My Love star na si Jelai Andres na sa Snapchat naman nakipagkulitan habang hindi gumagana ang ibang apps.

“Ang hirap mo ka Snapchat! Nawala antok ko 5:30 na” reply ni Jelai.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang founder at CEO ng Facebook na si Mark Zuckerberg sa bilyon-bilyong social media users na naapektuhan sa pagiging offline ng Facebook, Messenger, Instagram, at WhatsApp sa loob ng mahigit anim na oras.

Bagaman nakakatulong ang social media sa ating pang araw-araw na pamumuhay, marami rin ang nabibiktima ng fake accounts katulad ng mga artista. Tingnan ang sa gallery below: