GMA Logo Nicole Donesa and Mark Herras
What's Hot

Nicole Donesa, naiyak sa pag-alis ni Mark Herras para sa lock-in taping

By Jimboy Napoles
Published October 6, 2021 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Nicole Donesa and Mark Herras


Sa kanilang recent vlog, naging emosyonal si Nicole Donesa sa pag-alis ng asawang si Mark Herras para sa lock-in taping ng bagong proyekto nito sa GMA Network.

Simula na ng lock-in taping ng bagong proyekto ni Mark Herras sa GMA Network kaya kailangan niya munang pansamantalang iwan ang kaniyang mag-ina na sina Nicole Donesa at Baby Corky. Ito raw ang first-time na mahihiwalay ng matagal ni Mark sa kaniyang mag-ina.

Sa kanilang recent vlog, makikitang nag-bonding muna ang mag-asawa sa isang restaurant kasama ang ina ni Nicole. Dito ay masaya pa ang dalawa pero kapwa naging emosyonal pag-uwi nila sa kanilang bahay.

Pagkatapos i-ayos ang mga gamit ni Mark, saglit na nagkwentuhan ang mag-asawa.

“I don't know, I'm excited to work, but I don't wanna leave the house," sabi ni Mark.

Kinabukasan, matapos ihatid si Mark , si Nicole na ang nag-drive pauwi sa kanilang bahay.

“That was actually the first time I drove by myself after such a long time…Oh, my God, nakakaiyak pala yung ganito” kuwento ni Nicole.

Pagpapatuloy pa ng aktres, "Ever since Corky became so makulit na and so active, we started sleeping here in the play pen and si Mark, eto yung pwesto niya, katabi niya si Corky. Ayan oh! Ayan 'yung kumot niya."

"Hala... bakit ganon 'pag nakikita ko yung mga gamit niya naiiiyak ako?" lahad ni Nicole.

Sa kabila ng lungkot, pinilit pa rin ng aktres na maging productive kahit pa hindi sanay na wala si Mark sa kanilang tabi.

“Okay, I have to pull myself together, I still have work to do…some errands to do. I cannot just stay like this” sabi pa ng aktres.

Samantala, habang naka-quarantine sa isang hotel, nag-self vlog din ang aktor na si Mark Herras.

“This is my first time to be gone for more than a month without Corky and Ico. It's hard, I just want to sleep para mas mapabilis ang araw ko," kuwento ng aktor.

Dagdag pa niya “May work na naman ako, so it's okay to just have to sacrifice ang ibang oras with my family, with my Ico and Corky… I'm sure its gonna be worth it naman,"

Ikinasal sa isang civil ceremony sina Mark Herras at Nicole Donesa nito lamang September 8. Panoorin ang kanilang recent vlog, dito:

Silipin naman ang masayang pamilya nina Mark Herras, Nicole Donesa at Baby Corky sa gallery na ito.