GMA Logo FB page of Iya Villania has been hacked
What's Hot

Iya Villania's Facebook account hacked!

By Jimboy Napoles
Published October 7, 2021 8:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Singitan sa pagpasok ng mall parking lot sa Marikina, nauwi sa sakitan
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

FB page of Iya Villania has been hacked


Inanunsyo ni Iya Villania-Arellano sa kaniyang Instagram account na na-hacked ang kaniyang Facebook page, Huwebes ng gabi (October 7).

Ito ang pambungad na caption ni Mars Pa More at 24 Oras “Chika Minute” host na si Iya Villania-Arellano sa kaniyang Instagram post nang ianunsiyo niya na wala na siyang access sa kaniyang Facebook page na mayroong 8.2 million followers matapos itong ma-hacked, Huwebes ng gabi (October 7).

Ipinost ni Iya ang screenshot ng kaniyang Facebook page kung saan profile picture pa ang larawan niya karga ang kaniyang anak na si Baby Alana.

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)

“Heads up guys… my Iya Villania FB page has been hacked. I don't have control on my page anymore,” caption ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Nanawagan din ang Kapuso host sa kung sino mang pwedeng makatulong sa kaniya.

“Any leads to people who can help will be greatly appreciated,” dagdag pa ni Iya.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang celebrities na umalma sa kanilang fake social media accounts.