Showbiz News

Alamin ang mga kinatatakutan ng inyong Kapuso idols!

Nakapanayam ng GMANetwork.com ang inyong mga paboritong Kapuso stars tungkol sa kanilang mga greatest fears in celebration of Halloween. Alamin kung sino sa mga bida ng Yesterday's BrideCoffee PrinceMagdalena, at Paroa ang takot sa daga, ipis, multo, at kung anu-ano pa!


 
Yesterday's Bride
 
Lovi Poe: "Greatest fear ko is may makaharap na ghost, right in front of my face."
 
Rocco Nacino: "My greatest fears are sewer rats and 'yung mga daga na nakikita sa bahay. Lalo tumindi ang fear ko diyan dahil one time nag-try kami pumatay ng isa niyan dahil pumasok sa living room. Gumanti yata siya dahil gumapang siya sa leeg ko at umakyat. After noon, sobrang nagkaroon na ako ng trauma pagdating sa mga daga."
 
Luis Alandy: "My greatest fear, I think, would be sharks, to swim with sharks. 'Yun ang gusto kong ma-overcome din, to go to Australia and swim with great white sharks."
 
Ken Chan: "Greatest fear ko siguro mga rats. Bata pa lang po ako takot na ako sa mga daga. Kaya ko sigurong humawak ng ipis, ng mga snakes, ng kung anumang insekto, huwag lang daga talaga."


 
Coffee Prince
 
Kris Bernal: "Greatest fear ko mga ipis na lumilipad. Ayoko 'yun."
 
Direk Ricky Davao: "Greatest fear in life siguro is losing somebody you love."
 
Benjamin Alves: "My greatest fear in life would probably be waking up and losing my family. And another one would be waking up and being told that you cannot act anymore."
 
Max Collins: "My greatest fear in life is to disappoint my family, my friends, and my fans."
 
Steven Silva: "I hate spiders. Simple lang pero isa 'yun sa mga greatest fear ko. I really don't like spiders, and 'yung mga crawling things like mga ipis."
 
Fabio Ide: "My greatest fear would be ghosts. Especially sa cemetery, ayoko."
 
Boy2 Quizon: "Mawalan ako ng another relative. Mahirap 'yun. Alam ko normal sa ating lahat 'yun pero every time dumadating 'yun, medyo nagugulo and it's always going to be something na makaka-connect tayong lahat."
 
Sef Cadayona: "Unang una, heights. Takot na takot ako sa heights. May time na gusto sa akin [ipagawa] sa Party P na bumababa ako. Bumaba naman ako, pero nakakapit lang ako, hindi ako tumitingin sa baba kasi nanginginig na talaga ako. And takot po talaga ako sa daga. kahit na mala-daga 'yung tenga ko, takot ako sa daga."
 
Kim Komatsu: "Siguro cockroach, lalo na kapag lumilipad sila. Nagmamadali ako kapag nandiyan na talaga sila."


 
Magdalena
 
Pancho Magno: "Siguro heights."
 
Princess Snell: "Ang ayoko talaga is ipis. Mamamatay ako kapag lumapit sa akin ang ipis."


 
Paroa
 
Barbie Forteza: "Takot ako sa aso, kahit mga cute na aso, kahit mga puppies, takot ako doon. 'Tsaka sa mga multo, kahit wala akong nakikita natatakot ako. Sa dilim, sa mga matataas, lalo na sa mga matataas, takot ako."
 
Derrick Monasterio: "Ang pinakaayaw ko talagang makita sa lahat, pinakanatatakot ako siguro 'yung taong nakabitay. 'Di ko alam bakit, takot talaga ako doon."
 
Joyce Ching: "Madilim na lugar. Sobrang takot ako na mag-isa at madilim, kahit sa labas lang ng kuwarto namin. Hindi ko kayang mag-stay at lumabas or uminom ng tubig kapag mga 12 a.m. na. At dapat before 3 [a.m.] makatulog na ako kasi natatakot ako sa 3 a.m. Hindi ko alam kung bakit."
 
Rita de Guzman: "Greatest fear ko daga talaga. Grabe talaga. 'Yung ipis, oo 'yan medyo, pero ma-take ko pa 'yan. Pero ayoko talaga 'yung flying cockroach. Kahit anong insekto, ayoko talaga."
 
Log on to www.GMANetwork.com to know more about your favorite Kapuso stars!