GMA Logo welcome kapuso
What's Hot

Kapuso Brigade, may grand Twitter party para i-welcome ang mga bagong Kapuso

Published October 10, 2021 9:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

welcome kapuso


Gamit ang hashtag na #WelcomeKAPUSO, ini-welcome ng Kapuso Brigade ang bagong Kapuso stars ngayong 2021.

Nagsaya ang Kapuso Brigade, ang grupong binubuo ng fans ng GMA Network from all over the Philippines, kahapon, October 9.

Idinaos ng grupo ang Grand Twitter Party para i-welcome ang mga bagong Kapuso.

"Today is our Grand Twitter Party for welcoming all new kapuso stars this 2021!" saad ng official Twitter account ng Kapuso Brigade.

Kabilang sa mga artistang nai-welcome nila ay sina Bea Alonzo, Johnny "Mr. M" Manahan, Pokwang, Richard Yap, Xian Lim, Beauty Gonzalez, Kuya Kim Atienza, Sandro Muhlach, Luke Conde, at Khalil Ramos.

Ang Kapuso Brigade ay binubuo ng apat na battalion, ang Encantadia, Mulawin, Amaya at Indio na base sa mga ng GMA Network.

Libre ang sumali sa Kapuso Brigade. Mag-message lamang sa official social media accounts nito sa Facebook, Twitter o Instagram para malaman kung paano.

Samantala, narito ang ilang pang bagong Kapuso ngayong taon: