GMA Logo Park Min-young and Seo Kang-joon
What's Hot

Tambalang Seo Kang-joon at Park Min-young sa 'When The Weather is Fine,' magsisimula na sa GMA

By Aimee Anoc
Published October 11, 2021 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Park Min-young and Seo Kang-joon


Subaybayan ang kakaibang love story nina Hannah at Joshua sa pinakabagong melodrama ng GMA, ang 'When The Weather is Fine.'

Magsisimula na ngayong araw, October 11, sa GMA ang When The Weather is Fine na pinagbibidahan nina award-winning actor Seo Kang-joon at Korea's finest Park Min-young.

Sa drama, gumaganap si Park Min-young bilang ang cello teacher na si Hannah. Dahil sa mahirap na buhay sa siyudad, napagdesisyunan niyang bumalik na lamang sa kanilang probinsya sa Bukhyun kung saan muli niyang makikita ang dating high school classmate na si Joshua, na ginagampanan ni Seo Kang-joon.

Simple lamang ang pamumuhay ni Seo Kang-joon sa Bukhyun kung saan nagpapatakbo siya ng isang maliit na bookstore na pinangalanan niyang 'Goodnight Bookstore.'

Makakasama rin nila rito sina Lee Jae-wook at Im Se-mi bilang sina Julio at Bernice. Si Bernice ang dating best friend ni Hannah noong high school, at si Julio naman ang kaibigang parating naririyan para sa kanya.

Anong buhay kaya ang naghihintay kay Hannah sa pagbabalik sa kanilang probinsya? Paano kaya matutulungan nina Hannah at Joshua ang isa't isa sa madilim na nakaraan?

Patuloy na subaybayan ang When The Weather is Fine, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.

Samantala, kilalanin sa gallery na ito si Seo Kang-joon: