Showbiz News

Alden Richards, Christian Bautista at iba pang Kapuso stars, kinilala sa 12th Star Awards for Music

By Ron Lim

Kinilala si Alden Richards at ilan pang mga Kapuso stars sa 12th Star Awards for Music na idinaos noong Linggo, October 11.

Si Alden, kasama sina Christian Bautista at Jeric Gonzales, ay ginawaran ng Plaque of Appreciation ng PMPC dahil sa kanilang partisipasyon sa benefit concert ng PMPC na Awit sa Pandemya.

Maliban sa pagkilala kay Alden, ginawaran din ng parangal ang mga Kapuso artist na sina Garrett Bolden at Jeric Gonzales. Si Garrett ay tinanghal na Male Pop Artist of the Year para sa kantang “Handa Na Maghintay” habang tinanghal na Male Acoustic Artist of the Year si Jeric Gonzales para sa kantang “Taksil.”

Ito ang pangalawang beses na nanalo si Garrett Bolden sa Star Awards for Music. Noong nakaraang taon, tinanghal siyang New Male Recording Artist of the Year.

Balikan ang kaniyang pagkapanalo sa gallery sa baba.