Showbiz News

Kuya Kim Atienza, naging emosyonal sa pagbahagi ng kanyang buhay sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

By Dianne Mariano

Naging emosyonal ang bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza nang ibahagi ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay ngayong pandemya sa award-winning newsmagazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo (October 10).

Ayon sa “Kuya ng Bayan,” madami siyang pinagdaanan ngayong panahon ng pandemya at nagbahagi siya ng isang kuwento tungkol sa kanya at sa asawang si Felicia.

“My wife and I, we have a good relationship kaso first time namin nagkasama 24/7. So, nagkaroon kami ng kaunting friction, only to find out na hindi lang pala sa amin nanggaling 'yon,” ani Kim.

Dagdag pa niya na habang siya'y pauwi mula sa kanyang dating trabaho, umiiyak ito at sinabi sa Panginoon, “'Lord, I worship you in the light. But now that it's dark, I continue to worship you. And I praise you and your praise shall forever be in my lips.'”

Patuloy niya, “Nag-away kami ni misis no'n eh. 'Di kami nag-uusap. On my bed, tinabihan ako ni misis. Without even talking, without even having to apologize, she just gave me a big big warm hug.

“And that's when I felt na sabi ni Lord, 'Kim, relax ka lang. Nandyan ako palagi.' I really felt his presence. God has been so good to me that way. In whatever stage of my life, God makes himself felt so strongly and never have I felt him that strong than last year.”

Bukod dito, nagkaroon din ng dalawang health challenges si Kuya Kim.

Aniya, “I got born again twice. The first was physical born again when I had a stroke. Sabi ko sa sarli ko, 'I'll be the most fit Kuya Kim I can be.' I got into running, cycling, at pumayat ako.

“At the height of my fitness, I couldn't move my hands. They were paralyzed and then the next day, my toes were also paralyzed. Sabi ko, 'Doc, what's happening to me?' 'Kim, you have a rare disorder called Guillian-Barre syndrome.'”

Ang Guillian-Barre sydrome ay isang rare na autoimmune disease na maaring maging sanhi ng paralysis.

“Kung hindi ako nagkasakit, hindi ko nakilala ang Panginoon,” ani Kuya Kim.

Bago pa man siya nagkaroon ng health challenges, nalagay na sa panganib ang kanyang buhay dahil nagulpi ito noon sa isang kudeta sa Manila Hotel.

Kuwento niya, “I was reporting everything. After 10 minutes, may tatlong sundalo kinwelyuhan ako. 'Sumama ka. Huwag kang sumigaw dahil kapag sumigaw ka, papatayin ka namin.'

"Pagdating doon sa taas, ginulpi ako tapos pinapaamin kung saan ako nagtatrabaho, kung komunista ako. Sabi ko, 'Hindi. I work with Father Reuter.' Pinakita ko yung I.D. ko.”

Matapos ito, pinapasok siya sa loob ng banyo at doon kinausap niya ang Panginoon at sinabi, “Lord, if it's my time then get me.'

“I don't want to die yet. Bata pa ako. 'Lord. ikaw na ang bahala,'” pagbahagi niya. Matapos ang tatlong oras ng paghihintay, pinalaya na si Kuya Kim.

Ibinahagi din ng kilalang media personality kung paano nito nadadala lahat ng kanyang mga hugot sa buhay.

Wika niya, “Accept Jesus Christ as Lord and Savior. My stresses, napagdaan ko na 'yan. The peace that the Christian has is a peace that defies human understanding.”

Panoorin ang buong one-on-one interview ng “Kuya Ng Bayan” sa Kapuso Mo, Jessica Soho video sa ibaba.

Samantala, muling kilalanin si Kuya Kim Atienza sa gallery na ito: