
"I'm not closing my door."
Ito ang sagot ng aktres na si Kylie Padilla nang tanungin kung handa na ba siyang magmahal muli matapos ang hiwalayan nila ng asawang si Aljur Abrenica.
Kamakailan kasi ay ipinaliwanag ni Kylie na may kasunduan na sila ni Aljur na pwede na silang makipag-date sa ibang tao matapos lumabas ang ilang larawan ni Aljur na may kasamang babae.
Dagdag pa ni Kylie, "Ang sarap ma-in love, e, 'di ba? Totoo naman 'yun. And kung ano man ang pinagdaanan namin ni [Aljur], may understanding kami. You know, I do wish for myself na, in the right time, ma-in love ako ulit."
Ayon pa kay Kylie, ang pagpapatawad ang first step ng pagmo-move on.
Aniya, "[Moving on] is more about freeing yourself from whatever it is na naramdaman mo when it comes to that person."
"Kasi no matter what you say, or feel, or do, if you don't free yourself from those emotions, naka-trap ka pa rin."
Kung si Kylie ay handa nang magmahal muli, ang kanyang co-star kaya sa BetCin na si Andrea Torres ay handa na rin ba?
"Yes, actually nag-start na ako naudlot lang," masayang sagot ni Andrea. Bago mag last ECQ, lumalabas labas na rin ako, ready to meet other people pero nung nag-lockdown ulit, nag-stop muna. Siyempre safety first," sagot ni Andrea.
Bukod sa hiwalayan nina Kylie at Aljur, tingnan pa ang ilang celebrities na naghiwalay ngayon 2021 dito: