GMA Logo Kylie Padilla and Andrea Torres
What's Hot

Tambalang Kylie Padilla-Andrea Torres sa 'BetCin,' mapapanood na sa October 15

By Aimee Anoc
Published October 4, 2021 9:57 AM PHT
Updated October 4, 2021 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Andrea Torres


Gaganap bilang lesbian couple sina Kylie Padilla at Andrea Torres sa 'BetCin.'

Mapapanood na sa October 15 ang proyektong pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Andrea Torres, ang BetCin.Inside link:

Sa Instagram, ibinahagi ni Andrea ang petsa at larawan nila ni Kylie kung saan kapwa nakasuot ng pangkasal.

"October 15! Save the date," caption ni Andrea, na may kasamang heart emoji.

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Ibinahagi rin ni Kylie ang kaparehong larawan at sinabing, "Yes we did that... October 15 na!"

A post shared by kylie (@kylienicolepadilla)

Maraming netizens na rin ang excited na makita ang tambalang Kylie at Andrea.

"Kayong dalawa. 'Di namin kinakaya ang kilig at saya! See you on October 15. Lovely Couple," pagbabahagi ni @_anlie2021.

"You two please, nagwawala na ako rito sa KILIG!" sulat ni @rhichieee.

"Sa wakas, malapit na!" dagdag ni @mahal_lee.

"Oppss kinilig naman ako rito," sabi ni @catherine.tajanlangit.

"Excited here... ang tagal namin hinintay 'to!" sulat ni @borgejaujohn.

Gaganap bilang lesbian couple sina Kylie at Andrea sa BetCin. Gagampanan dito ni Kylie ang karakter ni Beth. Bibigyang buhay naman ni Andrea ang karakter niyang si Cindy.

Samantala, mapapanood si Kylie sa GMA Afternoon Prime na The Good Daughter, habang si Andrea naman sa GMA Telebabad na Legal Wives.

Tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres: