GMA Logo Kylie Padilla and Andrea Torres
What's Hot

Kylie Padilla at Andrea Torres, malaki ang respeto para sa LGBTQIA+ community

By Aimee Anoc
Published October 14, 2021 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Andrea Torres


Sa katatapos lamang na 'National Coming Out Day,' ibinahagi nina Kylie Padilla at Andrea Torres ang malaking respeto para sa LGBTQIA+ community.

Ibinahagi nina Kylie Padilla at Andrea Torres na malaki ang respeto nila para sa LGBTQIA+ community.

Sa press interview noong Martes, October 12, nagpaabot ng mensahe sina Kylie at Andrea para sa LGBTQIA+ community sa katatapos lamang na "National Coming Out Day" noong October 11.

Sa WeTV series na BetCin, gaganap bilang same-sex couple ang dalawang aktres kung saan gagampanan dito ni Kylie ang karakter ni Beth, habang bibigyang buhay naman ni Andrea ang karakter ni si Cindy.

Ayon kay Kylie, proud siya sa komunidad dahil sa pagtanggap ng mga ito sa kanilang sarili.

"I know what it feels like to feel like hindi mo ma-express 'yung sarili mo fully because of fear na baka hindi ka tanggapin or whatever," pagbabahagi ng aktres.

"For those who choose to come out I'm so proud of you kasi ibang klaseng freedom 'yun 'yung tanggap mo 'yung sarili mo and you're willing to be open about it. And you're freeing yourself from any judgement from yourself. It's just so nice for those who do choose to come out. I'm so proud of you."

"Stay strong and I hope it makes you really really happy and you're free na to be yourself. Lalo na if you watch our show, it's a safe place 'di ba to be yourself," dagdag niya.

Maging si Andrea ay proud at mataas ang respeto para sa komunidad. Ibinahagi rin ng aktres kung gaano siya kasaya na tinanggap ang karakter ni Cindy.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

"Ang taas ng respeto namin sa kanila. Kasi nang dahil dito sa project na 'to mas marami pa kaming nalaman ni Kylie. Sa pinagdadaanan nila. So grabe 'yung respeto namin sa kanila and this is for them.

"Itong show na ito is para talaga sa kanila. Sabi ko nga, 'yung appeal talaga ng BetCin para sa 'kin gusto ko 'yung kung paano sila na-represent. Gusto ko na mahal ng tao ang BetCin, accepted sila. Kaya ang gusto lang talaga namin sana kapag napanood n'yo itong series na ito matuwa kayo kasi nakaka-proud talaga kayo," pagtatapos ni Andrea.

Ayon kay WeTV Philippines manager, Georgette Tengco, napapanahon ang ganitong serye dahil madalas na napag-uusapan ang inclusivity.

"We feel that the time is right to put the spotlight on stories told from the lens of two women in a romantic relationship. This perspective is not often heard, and we wanted to give it the voice that it deserves," sabi ni Georgette.

Mapapanood na ang BetCin sa WeTV sa darating na October 15, 8 p.m. Abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres para sa BetCin: