Showbiz News

'Little Princess' star Jo Berry, nananatiling matatag sa pagpanaw ng ilang miyembro ng kanilang pamilya

By Aaron Brennt Eusebio

Nananatiling positibo sa buhay ang aktres na si Jo Berry sa kabila ng pagkamatay ng kanyang lolo, ama, at nakatatandang kapatid.

Sa panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras, kinuwento ni Jo kung paano siya nagpapakatatag sa gitna ng mga pagsubok na kanyang pinagdadaanan.

"Hindi naman na siguro ako magiging okay kagaya nung dati kasi may mga nawala na sa akin," malungkot na pahayag ni Jo.

"And parte 'yun ng buhay, lahat tayo pagdadaanan 'yung ganun siguro sa iba't ibang way lang, the thing is kung paano mo lang siya harapin.

"Ako, imbis na nagpapakalungkot ako sa doon, mas pinipili ko po na gamitin 'yung para mas maka-move forward ako with life."

Ayon kay Jo, pinagpapatuloy niya ang kanyang trabaho dahil ito ang gusto ng kanyang mga anghel.

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Jo ng Little Princess kung saan makakasama niya sina Rodjun Cruz at Juancho Trivino.

Pagpapatuloy ni Jo, "'Yun talaga 'yung sinabi nila sa akin bago sila umuwi sa heaven na ituloy ko pa rin kasi alam nila na masaya ako dito, masaya ako sa ginagawa ko."

Makakasama nina Jo, Rodjun, at Juancho sa Little Princess sina Angelika Dela Cruz, Jenine Desiderio, Jestoni Alarco, Geneva Cruz, Jenine Desiderio, and Tess Antonio.

Abangan ang Little Princess, malapit na sa GMA Afternoon Prime.