Showbiz News

Kuya Kim Atienza shares his secrets to staying in the media industry

By Dianne Mariano

Ibinahagi ng bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza ang kanyang mga sikreto kung paano manatili sa industriya ng media.

Ayon sa “Kuya ng Bayan,” ang unang sikreto ay dapat maging passion ng isang tao ang media.Link:

“Ang secret to staying in the media industry is number one, it has to be your passion. If it's not your passion, kung hindi mo talaga siya hilig at wala talaga sa puso mo, you will not stay. And mahirap 'e, mahirap 'yung araw-araw na trabaho,” kuwento ni Kuya Kim sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan noong October 14.

Dagdag pa ng bagong Kapuso, “Mukhang madali 'yung nakikita mo sa TV pero 'yung pinagdaan mo to come up with that product, at hindi lang ikaw [kundi pati] lahat ng mga taong gumagawa niyan para mapapogi ka at mapaganda ka sa TV, mahirap.”

Ang pangalawang sikreto naman daw ay persistence.

Aniya, “It takes persistence dahil, at a certain point, magsasawa ka 'e.

“And then, dapat ang focus mo ay ano ba ang binibigay mo sa audience? Ano ba ang content mo? At kapag lahat ng sinasabi mo sa audience ay mayroong saysay, lalim, at may nakukuha ang audience, it will make you stay kasi may purpose ka 'e.

“But when it starts becoming you, kapag iniisip mo na ikaw lamang at 'yung kasikatan mo, malalaos ka agad. Gano'n 'yon. Kapag finocus mo na 'yung output mo sa 'paano ako sisikat? paano ako gagaling?' Sisikat ka, mabilis. Magiging star ka pero mabilis ka din mawawala, hindi ka tatagal.”

Sa kanyang mahigit isang dekadang karanasan sa broadcast media industry, ibinahagi din ni Kuya Kim kung sino siya sa likod ng camera.

“Sa likod ng camera, marami akong hobbies. Mahilig ako sa running, mahilig ako sa triathlon, although walang mga karera ngayon, at mahilig ako sa motor. Hindi na ako nagkokotse, araw-araw nakasakay ako ng motorsiklo,” pagbahagi ng bagong Kapuso.

Ngayong isang official Kapuso na si Kuya Kim, mapapanood na siya sa 24 Oras at magiging bahagi rin ng Mars Pa More, at Dapat Alam Mo!

Samantala, muling kilalanin ang “Kuya ng Bayan” sa gallery na ito: