GMA Logo Kylie Padilla
What's Hot

Kylie Padilla, ibinahagi ang simpleng pangarap na nais gawin kasama ang mga anak

By Aimee Anoc
Published October 15, 2021 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Ano nga ba ang "dream day" ni Kylie Padilla?

Kung mayroon mang isang tanong na nais itanong ni Andrea Torres kay Kylie Padilla, ito ay kung ano ang "dream day" nito.

Sa press interview noong Martes, October 12, tinanong ni Andrea si Kylie kung ano ang "dream day" nito.

"Curious akong malaman kung ano 'yung dream day or perfect day for Kylie? Para lang alam ko kung ano 'yung magpapasaya sa kanya," tanong ni Andrea.

Ayon kay Kylie, simple lamang ang pangarap nito, at ito ay ang makasamang mag-hiking ang kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

"I've been imaging this day in my head na kasama ang mga anak ko. Dadalhin ko sila sa bundok, magha-hiking kami. Tapos chill lang kami roon sa taas ng bundok. Isi-share ko lang sa kanila ang mundo, na 'this is the world.' And it's really important na to go back to the basics, to go back in nature, and just be with the people you love," pagbabahagi ni Kylie.

Sa WeTV series na BetCin, gaganap bilang same-sex couple ang dalawang aktres kung saan gagampanan dito ni Kylie ang karakter ni Beth, habang bibigyang buhay naman ni Andrea ang karakter ni si Cindy.

Magsisimula nang mapanood ang BetCin ngayong araw, October 15, 8:00 p.m. Abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes.

Samantala, mapapanood si Kylie sa GMA Afternoon Prime na The Good Daughter, habang si Andrea naman sa GMA Telebabad na Legal Wives.

Tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres para sa BetCin.