Showbiz News

Cast ng 'Pahiram ng Sandali', sumabak na sa unang araw ng taping



Nagsimula na ang taping ng much-awaited teleserye na Pahiram ng Sandali nitong November 12, at nagkaroon ng pagkakataon ang GMANetwork.com na makapanayam ang mga artistang may mga eksena noong araw na iyon, kabilang na ang isa sa mga lead stars nito na si Dingdong Dantes. Kasama ni Dong sa first day of taping noong Lunes sina Kristoffer Martin, Sandy Andolong, at Julio Diaz, na excited sa pagganap sa kani-kanilang mga roles.
 
Ikinuwento ng bawat isa ang kanilang mga gagampanan sa primetime drama na ito. "I play Alex. Ito 'yung first taping day namin para sa Pahiram ng Sandali. So I'm very excited kasi finally matutuloy na siya after 'yung Haram ay hindi natuloy. Ngayon it became Pahiram ng Sandali na naging mas interesting for me," masayang pagbabahagi ni Dingdong.
 
"Ako dito si France, kapatid ako ni Kuya Dong sa ina. Ang ina namin dito si Ms. Sandy Andolong. Isa akong sutil na anak, masyadong may pagmamahal sa tatay. Kahit bad influence na 'yung tatay, go pa rin kasi mahal niya 'yung tatay niya. Eh si Kuya Dong ayaw niya doon sa tatay ko kasi BI [bad influence] sa akin, tinuturuan akong uminom, mga ganyan," shares Kristoffer.
 
"I'm playing the role of the step-father of Dingdong, and of course ang kanyang ina, si Sandy Andolong, naging asawa ko rin. At nagkaroon kami ng supling, si Kristoffer Martin. Doon nag-evolve ang aming istorya," says Julio.
 
Sandy naman will be playing Dingdong's mother for the third time. "My role in Pahiram is Thea, mother ni Dingdong na mahirap lang, tinaguyod niya mag-isa ang kanyang anak na hindi na-rerecognize ng kanyang ama. So parang 'yung lagi ang issue naming mag-ina. Kasi si Dingdong dito parang he's out to prove to his father na kailangan ma-recognize siya as his son, and I feel bad for him, of course. Siya ang paborito kong anak dahil sa matagal na panahon kaming dalawa lang ang magkasama. Pero si Thea dito naghahanap din siya ng makikilingan kaya hindi niya mabitawan si Berting."
 
Very happy din siya to be able to work with Dingdong again since Endless Love. "I'm very thrilled dahil this is going to be the third time na naging anak ko siya. 'Yung madalas mong nagiging anak na-mimiss mo and I did miss working with Dingdong so I was just too happy noong nalaman ko na mayroon nga itong project na napakaganda ng casting at napakaganda ng storya at ng script."
 
When asked kung ano ang mga nakita niyang pagbabago kay Dingdong mula ng maging anak niya ito sa TV, ito ang naging sagot ng veteran actress. "Sa tingin ko he has matured a lot as an actor. But he's still the same, he takes his work very seriously. Physically he looks better kasi he lost a lot of weight at saka ripped na ripped siya. In terms of our working relationship, it's still the same. Nasanay na ako na tawag niya sa akin 'Mommy', tawag ko sa kanya 'anak'."
 
Si Dingdong naman, hindi rin ikinaila ang kaligayahan na muling makatrabaho si Sandy, habang first time naman niya to work with Julio Diaz. "Si Tita Sandy nakatrabaho ko na sa Stairway to Heaven, sa Endless Love so maraming beses ko na siyang naging mother. Dito she also plays my mother, and I'm very much relaxed whenever I'm with her on screen and it's always a privilege to work with her. First time ko na makatrabaho si Sir Julio and na-eexcite din po ako sa role niya dahil napaka-crucial po ng kanyang character doon sa aming mother-son relationship."
 
Kinabahan naman daw si Kristoffer sa eksena nila ni Dong. "Kay Kuya Dong, okay naman [kami]. Noong una natatakot ako, kinakabahan kasi siyempre Dingdong Dantes na 'yan. Pero hindi naman nabago 'yung pagkikita namin kasi noong nag-Endless Love, nag-young Dingdong ako. Buti nakikilala pa ako ni Kuya Dong, sabi niya 'O ngayon kapatid na kita.' Nakakatuwa kasi si Kuya Dong sobrang approachable."
 
Looking forward din ang teen actor na makaeksena ang mga bigating artista tulad ni Ms. Lorna Tolentino. "Si Ms. Sandy naging nanay ko rin siya sa Endless Love. Sina Ms. LT [Lorna Tolentino] hindi ko pa nakakatrabaho kasi first [taping] day ko ngayon. I'm looking forward naman. Kinakabahan pa rin ako kasi mga beteranang aktres, so di ko alam kung paano ako aadjust. Bagong experience siguro, bago 'yung tactic sa pag-acting siguro 'yung matututunan ko."
 
Puro naman pagpupugay ang nasabi ni Julio about Dingdong, at naiyak pa daw ito ng mapanood ang isang dramatic scene ng Kapuso hunk sa Endless Love."Working with Dingdong is very [exciting], and ang puwede kong maging reason dito is he is a world-class stud, and I happen to be that noong mga panahon ko rin. Second is perhaps i think 'yung pagiging gentleman in him in real life, because ang macho sa akin 'yung talagang how you adore women and Dingdong is one man na mayroon siyang isang salita. Thirdly, because he is one actor na nakita kong malalim, at ito 'yung Koreanovela na ginawa niya with Marian. And then nakita ko kung papaano niya dineliver 'yung kanyang role, and I think mas magaling siya doon sa original ng Koreanovela na 'yun. And at one point in time na umiyak siya sa isang eksena in his dramatic scene, napaiyak din niya ako."
 
Abangan sina Dingdong Dantes, Kristoffer Martin, Sandy Andolong, Julio Diaz, Lorna Tolentino, at Christopher de Leon sa Pahiram ng Sandali, sa November 26 na sa GMA Telebabad. --Michelle CaliganGMANetwork.com