Showbiz News

Kilalanin ang mga nanalo sa Party Pilipinas Most Liked Awards!

Party Pilipinas Most Liked Awards nitong nakaraang Linggo, November 18. Limang awards, kabilang ang "Most Liked Kapuso", "Most Liked Drama Actress", "Most Liked Party Pilipinas Performance", "Most Liked Kilig Moment" and "Most Liked Love Team" with Dingdong Dantes, ang hinakot ni Marian na live tinanggap ang mga trophies.

Umaangat din ang Temptation of Wife co-star ni Marian na si Glaiza de Castro na nanalo bilang "Most Liked Kontrabida" habang ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes ay tinanghal na "Most Liked Drama Actor."

Ang hot na hot na sina Sam Pinto at Enzo Pineda naman ang nakakuha ng pinakamaraming boto as "Most Liked Kapuso Babe" and "Most Liked Kapuso Hunk," respectively.

Ang Eat Bulaga child wonder na si Ryzza Mae Dizon ang nanalo as "Most Liked New Artist" at hinirang naman as "Most Liked Diva" si Rachelle Ann Go, who recently celebrated her 8th anniversary in showbiz through her ‘Rising Against Gravity’ concert.

"Most Liked Dance Artist" si Julian Trono at "Most Liked Love Tween" naman ang KrisJoy na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Ang kauna-unahang Party Pilipinas Most Liked Awards “aims to recognize the most liked Kapuso artists through online and text voting.”

Abangan ang inyong paboritong Kapuso stars sa Party Pilipinas every Sunday pagkatapos ng Kapuso Movie Festival.