Showbiz News

Barbie Forteza, inaming nakokonsensiya sila ni Jak Roberto kapag walang updates para sa JakBie fans

By Jimboy Napoles

Parehong abala ngayon sa kani-kanilang mga proyekto ang Kapuso real-life couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, kaya madalas daw na hindi sila nagkikita.

Sa Unang Hirit ngayong Huwebes, October 21, inamin ni Barbie na nakokonsensiya na raw sila ni Jak kapag hindi nila nabibigyan ng updates ang kanilang mga fans.

"Minsan nga parang medyo nakokonsensiya na kami kapag wala kaming updates ni Jak parang nape-pressure kami. Pero kasi nga hindi rin kami magkasama ngayon, medyo busy kaming dalawa". paliwanag ni Barbie.

Pero kabilang raw sa wish list nila ni Jak ang magbakasyon sa Chicago kapag lumuwag na ang kanilang schedule at natapos na ang pandemya.

"Plano talaga naming pumunta sa kapatid ko sa Chicago, kasi marami kaming gustong gawin doon eh." kuwento pa ng aktres.

Mapapanood ngayong Linggo si Barbie sa Regal Studio Presents: My Birthday Wish, 4:35 p.m. pagkatapos ng Dear Uge. Araw-araw namang mapapanood si Jak sa GMA Afternoon Prime na Stories from the Heart: Never Say Goodbye sa oras na 3:25 p.m.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang kilig moments nina Barbie Forteza at Jak Roberto: