Showbiz News

When The Weather is Fine: Ang muling pagkikita nina Hannah at Joshua

By Aimee Anoc

Sa unang linggo ng When The Weather is Fine, bumalik na sa kanilang probinsya si Hannah (Park Min-young) kung saan muli niyang nakita ang dating high school classmate na si Joshua (Seo Kang-joon).

Dahil sa magulong buhay sa siyudad, napagdesisyunan ni Hannah na umuwi na lamang sa Bukhyun at tulungan ang kanyang tiyahin sa pagpapatakbo ng kanyang guest house na may kalumaan na.Nangyari ang muling pagkikita ng dalawa nang patuluyin ni Joshua si Hannah sa Goodnight Bookstore habang hinihintay na tumila ang malakas na ulan.

Hindi naman nakaligtas si Joshua sa pang-aasar ng kanyang kapatid na babae nang tanungin nito kung si Hannah at si Irene ba sa kanyang blog ay iisa.

Samantala, pinilit si Hannah ng kanyang tita na bumalik na lamang sa Seoul dahil iyon na ang buhay na nakasanayan niya. Pero buo na ang desisyon ni Hannah na manatili sa Bukhyun at doon na manirahan.

Nagkataon naman na naghahanap ng part-time worker si Joshua para sa kanyang bookstore kaya agad na nagpunta si Hannah.

Patuloy na subaybayan ang When The Weather is Fine, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m. sa GMA.

Samantala, balikan ang mga eksena sa When The Weather is Fine:

When The Weather is Fine: A home in Joshua's library | Episode 1

When The Weather is Fine: Joshua's secret feelings | Episode 2

When The Weather is Fine: Your best friend is a traitor | Episode 3

When The Weather is Fine: The girl who broke Hannah's trust | Episode 4

When The Weather is Fine: Hannah's savior | Episode 5