Showbiz News

Kylie Padilla answers Aljur Abrenica's 'cheating' accusation, 'I know my truth.'

By Nherz Almo

"I'm confused."

Isa ito sa mga naging pahayag ni Kylie Padilla nang tanungin tungkol sa mainit na pahayag ni Aljur Abrenica tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila.

"Yung mga lumabas na statement, medyo nagulat din ako. It's unfair if I don't have a say because I was part of the marriage, dalawa kami. Gusto kong matapos yung mga nangyayari sa amin na friends kami. Ba't parang nag-iiba yata ang ihip ng hangin," sabi ni ni Kylie sa panayam sa kanya ni Jessica Soho na ipinalabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, October 24.

Kasunod nito, tinanong siya ng kanyang panig tungkol sa akusasyon ng kanyang estranged husband tungkol sa diumano'y panloloko niya.

Sagot ni Kylie, "Ang dami kong pwedeng sabihin na ikasisira niya 'cause we were both in the marriage. But I chose to keep quiet na lang about the details.

"Hindi naman makakatulong sa amin, e. He knows what he did wrong, I know what I did wrong."

Aminado si Kylie na mali ang ginawa niya noon kung saan nag-post siya ng cryptic messages patungkol sa relasyon nila ni Aljur.

Aniya, "This started noong February and I opened the door so that everyone can have a say. But for me kasi at that time I was suffering. I didn't know how to handle what I was going through and I am sorry, I learned from that mistake."

Kaya naman ngayon, pakiusap ni Kylie sa kanyang estranged husband, "If we do wanna blame each other, maybe we can do it in the right place, not on social media."

Sa Facebook post ni Aljur, sinabi niya kay Kylie, "Please tell them the truth."

Sagot naman ni Kylie, "If I say my side, hindi siya makakatulong. In some way, I'm still trying to protect what I can kasi ayaw ko talagang tuluyan nang gumulo. Kasi, lumalaki ang mga anak ko, mapapanood nila 'to and ayaw kong makita nila. As a mother, I have to protect what I can."

Nagagawa raw ng Kapuso actress na iwasang sumagot sa mga akusasyon sa kanya dahil, "I know my truth. I know what I went through and I know what he went through. Ang alam ko lang parehas kaming hindi masaya.

"If we play the blaming game, what are we gonna get if we're trying to attack each other online. I mean, who is it helping? Let's do it in court na lang kung gusto mo ng ganyang labanan."

Diin pa ni Kylie, "Na-hurt ako, sobra, sa sinabi niya that I wrecked a family. Hindi ko in-expect yun kasi we had an agreement. 'Sabay tayong magpapa-interview para, at least, after nito, kahit maghihiwalay na tayo, we're still a united front.' Iniisip pa rin namin na family kami."

"My truth."

Sinubukan muli ni Ms. Jessica na hingin ang panig ni Kylie sa akusasyon ni Aljur, dito sinabi ng celebrity mom, "In my defense, while we're formally married, I never had extramarital relationships with other men. That is my truth. Okay sana kung ginawa ko, I would say, 'I'm sorry.' Pero hindi talaga, e. And that's what they keep on throwing at me. Paano ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa?"

"Siyempre, when you say 'cheated' ang unang iniisip ng mga tao nanlalaki. Talagang in their mind, ginawa ko yun, and may mga blind items that said that. Saan nanggagaling ang mga ito? Kasi, kung totoo talaga, aamin ako. But like, hindi talaga siya totoo, kaya natatawa na lang ako.

"Paano ako magkakaroon ng oras? I was breastfeeding my second [son]. Paano ako aalis? Kung gusto ninyo ng ebidensiya, tanungin n'yo yung mga yaya ko."

Dahil sa mga akusasyon ng panloloko, inamin ni Kylie, "I'm angry. I'm raising my children. They don't see that. Sobrang unfair, parang you have to be strong in our society rin.

"Kung hahayaan kong maapektuhan ako sa mga sinasabi nila, hindi ko mapapalaki ang mga anak ko ng sane ako. Ayaw kong makita nila 'yon. Kaya nga, gaya ng sinabi ko kanina, humuhugot talaga ako sa kanila. Kailangan makita nila na, 'Kaya ng mom ko, kaya ko rin.'"

Sa isang bahagi ng panayam, sinabi ni Kylie ang dahilan para makipaghiwalay na sa kanyang asawang si Aljur.

Aniya, "Kasi, I wanna grow. I wanna grow as a person and I wanna be a better mother. These circumstances sa marriage namin, parang feeling ko, hindi ko magagawa 'yon.

"Yung sinabi niyang I wrecked a family, it's because I decided na ayaw ko na and I wanna be a better person. I wanna be happy and I want him to be happy. Kaming dalawa yung iniisip ko, when I decided that. And if you ask him now, he agrees. Okay ang mga nangyari kasi happy na siya, happy na ako.

"So, I'm confused why he's doing this kasi we both agreed."

Narito ang ilang pang mga naging pahayag ni Kylie sa KMJS:

Samantala, balikan ang relationship timeline nina Kylie at Aljur dito: