Showbiz News

GMA Now, mapapasainyo na sa pinamurang halagang P599!

By Marah Ruiz

Simula October 28, 2021, mas pinamura na ang mobile digital TV receiver ng GMA Network na GMA Now!

Mula sa orihinal na presyong P649, mapapasainyo na ang GMA Now sa murang halaga na P599.

Unang nag-price slash ang GMA Now noong June 28, bilang pagdiriwang ng 71st anniversary ng GMA Network. Dahil sa insistent public demand, nag-extend pa ang promong ito hanggang October 27.

Pero dahil sa inyong suporta, permanente nang P599 ang bawat unit ng GMA Now!

Ang GMA Now ay isang mobile digital TV receiver na maaaring i-plug sa inyong Android phone para makapanood ng live TV on the go for free.

Gamit ito, maaari nang mapanood ang GMA, GTV, I Heart Movies, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, at lahat ng available free-to-air digital channels sa inyong area.

Available ang GMA Now sa ilang piling lugar sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Abra, Ilocos Sur, Baguio City, Pangasinan, Batangas, Metro Cebu, Metro Davao, Cagayan de Oro, Bacolod City, pati na sa Guimaras at Iloilo.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang official site ng GMA Now o i-follow mga official social media accounts nito sa Facebook, Instagram, at Twitter.