
Umani ng mataas na ratings at positive comments online noong nakaraang Sabado, ang “Kamandag” episode ng bagong Wish Ko Lang. Kaya naman inaabangan na ng viewers ang susunod na mangyayari sa kuwento ni Elaine (Sunshine Cruz), isang physical therapist na may asawang civil engineer na babaero, si Miguel (Polo Ravales).
Sa una ay inakala ni Elaine na simpleng babaero lamang ang kanyang mister, at dalawa sa mga karelasyon ni Miguel ang kanyang kinumpronta.
Subalit nagulantang siya nang madiskubreng ang inaakala niyang Kabit No. 2 ng kanyang mister na si Rosie (Ina Feleo) ay siya palang legal wife ni Miguel.
Hindi makapaniwala si Elaine na sa loob ng 16 years nilang pagsasama at matapos nilang magkaroon ng isang anak ay hindi pala niya lubusang kilala ang lalaking minahal.
26 years na palang kasal si Miguel kay Rosie at may dalawa na rin silang anak.
Tuluyan na bang hihiwalayan ni Elaine si Miguel matapos malamang kerida lang pala siya nito o ipaglalaban niya ang kanilang relasyon? Ano kaya ang gagawin ni Rosie matapos malamang matagal na palang may kabit si Miguel?
Abangan lahat 'yan sa Part 2 ng kuwento na pinamagatang “Kamandag: The Finale,” kung saan makakasama rin nina Sunshine, Polo, at Ina sina Jopay Paguia, Shanelle Agustin, Yesh Burce, at Andrew Gan.
Huwag palalampasin ang “Kamandag: The Finale” episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, October 30, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: