
Sa ikaapat na linggo ng The Bureau of Magical Things, inamin na ni Professor Maxwell (Christopher Sommers) na nagmula ang mahika ni Kyra (Kimi Tsukakoshi) sa Orb of Lemuria, isang malakas na kapangyarihang nakatago sa libro.
Habang sama-samang nakikipaglaban sa grupo ni Orla Maguire (Melanie Zanetti, isang elf, nalagay sa panganib ang buhay ni Darra (Julian Cullen).
Si Kyra lamang ang may kakayahang mailigtas si Darra mula sa Eye of Horus, isang sinaunang kagamitan na kayang humigop ng anumang bagay na madaanan nito. At kapag nasa loob na nito, wala nang daan para makabalik sa mundo.
Hindi kayang masira ng kapangyarihan ng elf at fairy ang Eye of Horus. Tanging ang kapangyarihan lamang na nagmula sa Orb of Lemuria ang makatatalo rito at ang nagtataglay nito ay si Kyra.
Tinulungan ni Professor Maxwell si Kyra sa dapat niyang gawin para mailigtas si Darra mula sa Eye of Horus, at nagtagumpay ang mga ito.