Showbiz News

Pilot Week ng Pahiram ng Sandali, mapapanood this Sunday!



Muling balikan ang mga kapana-panabik na eksena sa pinakabagong primetime drama ng GMA, ang Pahiram ng Sandali. Sa darating na Linggo, December 2, ay mapapanood ang pilot week rerun ng naturang TV series na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Max Collins, at Ms. Lorna Tolentino.
 
Mag-uumpisa ang kuwento kay Alex, isang binatang naghahangad na kilalanin ng kanyang ama kaya patuloy siyang nagsisikap para sa pamilya. Makikilala niya ang anak-mayaman na si Cindy sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Magiging magaan ang loob nila sa isa't isa, and they will eventually fall in love.
 
Ngunit bago pa man nila masabi ang nararamdaman ay magdedesisyon si Cindy na mag-aral sa ibang bansa, dahilan para maghiwalay sila ni Alex. Sa pag-alis ni Cindy ay makikilala ni Alex si Janice, ang editor-in-chief ng pinakasikat na tabloid sa bansa. Dahil parehong may mga problema sa buhay at pag-ibig, magiging malapit angdalawa sa isa't isa. Pero higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang mararamdaman, at isang sandali ang kanilang hihiramin.
 
Sa pagbalik ni Cindy, paano tatanggapin ni Alex ang katotohananng magkadugo pala ang una niyang minahal at ang kasalukuyang niyang iniibig? Paano maibabalik ni Janice ang pamilyang unti-unti na sanang nabubuo pero tila mawawasak muli dahil sa isang sandaling hiniram?
 
Bago ninyo malaman ang kasagutan sa mga tanong na ito, panoorin muna ang pilot week rerun ng Pahiram ng Sandali  this Sunday, December 2, bago mag-Party Pilipinas. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com