GMA Logo Julie Anne San Jose
What's Hot

Julie Anne San Jose gears up for the showing of 'Still' and 'Heal' this November

By Bong Godinez
Published November 9, 2021 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Asia's Limitless Star is not slowing down as she continues to dish out projects one after another.

Isa si Julie Anne San Jose sa mga celebrity na very busy pa rin kahit na noong kasagsagan ng pandemya.

Bukod sa paglabas sa All-Out Sundays at The Clash ay nakapaglabas din si Julie Anne ng single, ang “Kung Wala Ka” na cover ng hit ballad na unang pinasikat ng bandang Hale.

Nitong September ay napanood online ang first leg ng Limitless: A Musical Trilogy na pinamagatang “Breathe.”

Itong darating na November 20 naman ay mapapanood ang part 2 ng trilogy na pinamagatang “Heal” na kung saan ay special guests ni Julie Anne sina Jessica Villarubin at Rayver Cruz.

Sa Visayas kinunan ang mga eksena para sa “Heal” kaya kaabang-abang din kung anong mga magagandang tanawin ang binisita ni Julie Anne at ng production team.

“Wala akong masabi kasi ang gaganda ng mga shots. It's just really fun to go to different places, may mga hidden gems kasi na hindi pa natin napupuntahan talaga,” banggit ni Julie Anne sa panayam ng 24 Oras.

Excited din si Julie Anne dahil sa wakas ay mapapanood na ang musical narrative series na Still sa streaming platform na Viu sa November 12 at November 26.

Ibang challenge para kay Julie Anne ang Still na very timely ang mensahe.

Umiikot ang kuwento ng Still sa grupo ng artists na na-stranded sa isang music camp matapos abutan ng pandemic at lockdown.

“Nakakapag-act na kami, nakakakanta rin kami. Those are two things na talagang love ko and love rin naming gawin,” paliwanag ni Julie Anne patungkol sa karanasan niya sa Still.

“It's always nice to create something new and mas ma-discover pa rin namin 'yong capabilities din namin at mas ma-expand pa 'yon.”

Para kay Julie Anne, maganda ang mensahe na nais iparating ng Still at umaasa siya na marami ang makakapanood nito.

“Ang laking aspect na nakapagpabago talaga sa buhay natin [itong pandemic]. That's something that we don't have any control of,” sabi ni Julie Anne.

“But we do have control sa ating mga choices sa buhay, kung mananatili ba tayong stuck or we just keep going and move forward?”

Kasama rin sa Still sina Gab Pangilinan, Christian Bautista, at Bituin Escalante.

Balikan ang ilang behind-the-scenes ng “Breathe” sa gallery na ito.