
Pagtungtong pa lang sa stage ni Davao Del Norte singer na si Julia Serad ay nakuha niya ang atensyon ng The Clash panel na binubuo nina Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas, Asia's Romantic Balladeer, at Asia's Nightingale Lani Misalucha.
Lalo pang tumitindi ang paghanga ng judges sa 25-year-old Clasher nang marinig ang rendition nito ng "Hanggang" ni Wency Cornejo sa round one o one-one-one Clash.
Komento ni Aiai sa performance ni Julia, "Alam mo na-impress ako sa 'yo, sa pagkanta mo kasi napakaswabe niya saka simula pa lang is tama na. 'Diba parang buhay din 'yan e, 'pag tama 'yung simula, maganda ang katapusan."
Samantala, maiksi lang ang naging komento ni Christian sa pagkanta ni Julia pero ikinagulat ito ng huli.
Ani ng Romantic Balladeer, "So far, hindi ko pa naririnig ang lahat but, so far, ikaw ang makakapasok sa aking adorable cat notebook so you're the one to beat."
Si Julia pa lang ang nailiista ni Christian sa kanyang "adorable cat notebook" kung saan niya isinusulat ang Clashers na nagpamalas ng magandang performance.
Samantala, sinang-ayunan naman ni Lani ang mga sinabi ng kanyang co-judges tungkol sa performance ni Julia.
Sambit ng Asia's Nightingale, "Pagtayo pa lang ni Julia parang itinanim na niya 'yung sarili niya sa stage. Buong buo ang pagkakabigay niya sa ating lahat ng performance. So far ikaw 'yung matinding contender."
Hiniritan naman ito ni Aiai ng: "Taray ni Julia, ikaw na talaga 'yan."
Panoorin ang buong performance ni Julia rito:
Sa huli, pinaboran ng The Clash panel si Julia kontra sa katunggali niyang si Melanie Guevarra ng Pasig.
Gayunpaman, hindi siya dapat makampante matapos paupuin ng judges si Melanie sa blue chair para bigyan siya ng second chance na makabalik sa kompetisyon.
Mapapanood ang The Clash 2021 tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:40 p.m. sa GMA.
Kung hindi man kayo makatutok sa telebisyon, mayroong livestreaming ang programa sa official pages ng The Clash sa Facebook, YouTube, at TikTok.
Samantala, kilalanin ang The Clash 2021 top 30 sa gallery na ito: