GMA Logo Mang Tani Cruz and Kuya Kim Atienza
What's Hot

Mang Tani Cruz proud na magkasama na sila ni Kuya Kim Atienza sa GMA Network

By Jimboy Napoles
Published November 10, 2021 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mang Tani Cruz and Kuya Kim Atienza


Aminado si Mang Tani na hindi niya inexpect na magkakasama sila ni Kuya Kim sa iisang network. "Hindi ko inisip na darating ang panahon na kaming dalawa ay magkakasama sa isang istasyon"

Mahigit isang buwan na ang pagiging Kapuso ni Kuya Kim Atienza at regular na rin siyang napapanood sa flagship news program ng GMA Network na 24 Oras, at sa Dapat Alam Mo! ng GTV kasama si Emil Sumangil at Patricia Tumulak.

Bukod sa kaniyang mga kaibigan very proud din daw ang dating mentor ni Kuya Kim sa ulat-panahon na si Nathaniel "Mang Tani" Cruz sa kaniyang pagiging bagong Kapuso.

Sa isang panayam ng GMANetwork.com kay Mang Tani, sinabi nito na hindi niya naisip noon na posible silang magsama ni Kuya Kim sa iisang istasyon.

"Many many years ago no'ng tinuturuan ko siya I was in PAGASA, he'll be going to ABS-CBN and then that's it... Hindi ko inisip na darating ang panahon na kaming dalawa ay magkakasama sa isang istasyon," ani Mang Tani.

Masaya rin daw ang GMA News Resident Meteorologist na si Mang Tani nang malaman niyang proud din si Kuya Kim na siya ang naging mentor nito.

"Masaya ako bilang dating nagturo kay Kuya Kim and I am so proud na hindi niya itinatago na ako ang naging mentor niya, kaya Kim, I am proud of you," pahayag ni Mang Tani.

Kamakailan ay isa rin si Kuya Kim sa nag-welcome kay Mang Tani sa pagbabalik nito sa 24 Oras matapos nitong pansamantalang mamalagi sa Australia kasama ang kaniyang pamilya . Nag-post pa si Kuya Kim sa kaniyang Instagram account ng mga larawan ng kanilang naging grand reunion sa 24 Oras studio.

"Welcome back @mangtanicruz ! It's an honor to work with you! Mang Tani was my mentor in @pagasa.ph when I started doing weather 17 years ago," caption ni Kuya Kim.

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Bukod sa 24 Oras at Dapat Alam Mo!, mapapanood na rin si Kuya Kim sa Mars Pa More kasama sina Iya Villania at Camille Prats, Lunes hanggang Biyernes, 8:45 ng umaga sa GMA.

Samantala, mas kilalanin pa si Kuya Kim Atienza sa gallery na ito: