Showbiz News

Netflix announces cast for 'One Piece' live-action adaptation

By Jimboy Napoles

Mga bubuo sa Straw Hat Pirates, kilalanin!

Inilabas na ng Netflix kamakailan ang mga gaganap sa highly-anticipated live-action adaptation ng manga series na One Piece.

Ang limang bidang karakter ay gagampanan nina Iñaki Godoy bilang Monkey D. Luffy, Mackenyu Arata bilang Roronoa Zoro, Emily Rudd bilang Nami, Jacob Romero bilang Usopp, at si Taz Skylar bilang Sanji.

Iikot pa rin ang kuwento ng series adaptation sa paghahanap ni Luffy at ng Straw Hat Pirates sa isang mahiwagang treasure na kung tawagin ay One Piece.

Ayon sa report ng GMA News, magkakaroon ng 10 episodes ang live-action adaptation ng nasabing anime series na inanunsiyo mismo ng Netflix noong Enero ng nakaraang taon. Isa ang manga author na si Eiichiro Oda sa producer ng series.

Ang One Piece daw ang itinuturing na longest-running manga series. Una itong nailathala bilang manga taong 1997 at nagkaroon ng anime version taong 1999.

Matatandaan na makailang ulit ding napanood sa GMA Network ang One Piece anime series na naging parte na rin ng kabataan ng maraming Kapuso viewers.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang Filipino animated films and series: