Showbiz News

Ben&Ben pays tribute to late fan

By EJ Chua

Isang makabagbag-damdaming tribute ang inalay ng folk pop band na Ben&Ben para sa kanilang solid fan na binawian na ng buhay.

Sa video na inupload sa official Facebook page ng Ben&Ben, mapapanood ang isa sa mga vocalists ng banda na si Paolo Benjamin.

Habang nasa burol ng isang fan, malumanay na kinanta ni Paolo ang ilan sa kanilang original songs.

Sa caption ng Ben&Ben, isinalarawan nila ang pumanaw na tagahanga. “A tribute for Melanie, isang Liwanag sa lahat…”

Inialay ng banda ang heart-melting tribute na ito para sa kanilang fan na si Melanie Trinidad.

Si Melanie ay ang 21 years old na estudyanteng nasawi sa sunog na nangyari sa Novaliches, Quezon City noong November 2, 2021.

Siya ang dalagang na-trap sa nasusunog nilang bahay habang sinusubukang isalba ang kanyang laptop at iba pang mga gamit para sa kanyang online classes.

Ayon sa mga miyembro ng banda, nakausap nila ang ilang kamag-anak ni Melanie at lubos silang humanga sa ipinakita nitong dedikasyon sa kanyang pag-aaral.

Dagdag pa ng Ben&Ben sa kanilang caption, “Thank you for your bravery and compassion, Melanie. You'll live on forever through the people whose lives you've touched… Liwanag si Melanie. Kaya sa huling pagkakataon, pumunta kami sa service niya para makiramay at maghandog ng iilang mga awit. Let's all pray for the repose of her soul.”

Ayon pa sa Ben&Ben, ang nag-organize ng tribute ay ang kaibigan ni Melanie na si Elise Danielle Delos Reyes.

“Bilang kaibigan mo [Melanie], sobrang saya ng puso ko na natupad ko 'yung isa sa mga pangarap mo kahit sa huling pagkakataon,” pagbabahagi ni Elise.

Ilang netizens naman ang nagpaabot ng pakikiramay nila sa pamilya ng kanilang kapwa Ben&Ben fan.

Kilalanin ang miyembro ng indie folk pop band na Ben&Ben dito.

Para sa iba pang Kapuso stories, bisitahin ang GMA Network's official website sa www.gmanetwork.com.