GMA Logo Tale of the Nine Tailed
What's Hot

Tale of the Nine Tailed: Ang huling linggo sa mundo nina Leon at Gia

By EJ Chua
Published November 15, 2021 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Tale of the Nine Tailed


Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na kaganapan sa huling linggo ng 'Tale of the Nine Tailed.'

Sa huling linggo ng Tale of the Nine Tailed, mas maraming eksena ng kababalaghan ang matutunghayan ng mga manonood.

Mas pakikiligin pa tayo nina Leon at Gia sa kanilang kakaibang istorya ng pag-iibigan.

Habang tumatagal, mas tumitibay ang kanilang paninindigan na hindi iwanan ang isa't isa kahit ano pa ang mangyari.

Ilang beses na ring nasubukan ni Gia kung gaano siya kahalaga kay Leon.

Sa palagiang pagsasakripisyo ni Leon para sa kaligtasan ng kanyang mga minamahal, mas napapalapit naman siya sa kapahamakan.

Habang patuloy na nilalabanan ang mga kakaibang nilalang sa kanilang paligid, napag-uusapan na ng magkasintahan ang kanilang future life.

Nang una silang magtagpo sa gitna ng isang pagsasaliksik, nasubukan ang kanilang tiwala sa isa't isa sa pamamagitan naman ng mahiwagang salamin, nagka-engkwentro habang nasa katawan ni Gia ang kalaban, lubos na napapatunayan ng tadhana na sina Leon na si Gia ay tunay na umiibig sa isa't isa.

Matutupad nga ba ni Leon ang kanyang pangako na sasamahan niya si Gia sa habang buhay?

Mayroon bang dapat ialay para sa kapayapaan na hinahangad ng mundo?

Sinu-sino ang mananatiling tapat sa nine-tailed fox na si Leon hanggang sa huli?

Alamin ang mga kasagutan sa huling isang linggo ng Tale of the Nine Tailed, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

Maaari niyong balikan ang unang pagtatagpo nina Leon at Gia rito:

Samantala, kilalanin ang lead Korean actors ng Tale of the Nine Tailed sa mga gallery na ito: