GMA Logo Martin Del Rosario and Maureen Larrazabal
What's Hot

Maureen Larrazabal, sinilaban ang kasintahang si Martin Del Rosario sa bagong episode ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published November 17, 2021 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SLEX, STAR toll rate hike to take effect January 1, 2026 —TRB
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Martin Del Rosario and Maureen Larrazabal


Viral ngayon ang upcoming "Apoy" episode ng 'Wish Ko Lang' na mayroong mahigit 1.6 million views

Mayroon nang mahigit 1.6 million views sa Facebook ang teaser ng "Apoy" episode ng bagong Wish Ko Lang na pagbibidahan nina Martin Del Rosario, Maureen Larrazabal, at Faith Da Silva.

Mapangahas ang mga karakter na gagampanan nina Martin at Maureen bilang sina Joshua at Eva, na mayroong kakaibang relasyon.

Sa teaser, makikita na tila kayamanan lamang ang habol ni Martin kay Maureen kaya nito ipinagpapatuloy ang relasyon sa huli. At dahil walang ibang kasama sa buhay si Maureen ay pumayag siya sa kasunduang maghihiwalay sila ni Martin kapag nahanap na ng huli ang true love niya.

Pero paano kung makita na ni Martin ang true love niya sa katauhan ni Cristine na ginagampanan ni Faith Da Silva? Pumayag kaya si Maureen o ito na ang magiging simula ng mala-impyernong buhay nina Martin at Cristine?

Makakasama rin nina Martin, Maureen, at Faith sa upcoming episode sina Coleen Paz, Sharmaine Arnaiz, at Pipay.

Huwag palampasin ang nagbabagang episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado (November 20), alas-4 ng hapon sa GMA.

Panooring ang teaser ng "Apoy" episode sa Wish Ko Lang: https://youtu.be/ambVL3TQ7_w

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.