Showbiz News

John Lloyd Cruz, may exclusive interview sa 17th anniversary special ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

Talagang espesyal ang 17th anniversary ng top-rating magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nagpaunlak kasi ng eksklusibong interview ang aktor na si John Lloyd Cruz sa award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho.

"Bakit ka ba lumipat," diretsahang tanong ni KMJS host sa aktor.

Natawa naman si John Lloyd sa prangkahang simula ng interview, "Napakahirap naman ng unang tanong mo!"

"Anong reaksiyon ng mga tao rito? 'Di nagkakagulo?" pagpapatuloy ni Jessica.

"Siyempre, pero hindi. Joke lang," biro naman ni John Lloyd.

Bukod sa eksklusibong interview, kaabang-abang din ang paglibot nina John Lloyd at Jessica sa El Nido, Palawan.

Magsisimula ito sa isang titigan challenge habang kumakain ng tanghalian.

"Pamatay 'yung mata nito so baka higupin ako bigla," sambit ni Jessica sa simula ng challenge.

Susubukan din nilang mag-kayak, isa sa mga patok na activities para sa mga turista sa El Nido.

"Best date ever!" bulalas naman ni John Lloyd habang nagsasagwan si Jessica.

Huwag palampasin ang exclusive interview ni John Lloyd sa 17th anniversary special ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong November 21, 8:40 pm sa GMA!

Samantala, balikan ang career highlights ni John Lloyd sa gallery na ito: