Showbiz News

Cast ng Aso ni San Roque, maraming hindi makakalimutang eksena sa fantaserye



Ang pagkakabitin sa ere at pagsuot ng kakaibang costume ay ilan lamang sa mga karanasan na talagang in-enjoy at hindi makakalimutan ng cast ng Aso ni San Roque. Last January 3, 2013 ay bumisita ang GMANetwork.com sa set ng naturang fantaserye sa Marikina at aming nakapanayam ang ilan sa mga bida nito.
 
Para sa child star na si Mona Louise Rey, lahat ng eksenang kasama ang kanyang mga co-stars ay hindi niya malilimutan. "Lahat po kasi nai-enjoy ko. Mababait po silang kasama kaya sa lahat ng taping days namin, kahit isang araw hindi po ako nalungkot."
 
Si TJ Trinidad naman, hindi lang ang mga co-actors ang mamimiss, kundi pati na rin ang character niyang si Mateo. "Ang dami niyang hardship na dinaanan. It was very challenging for me, and I'll definitely miss the character."
 
Dagdag pa niya, "Working with LJ and Mona was such a great experience. 'Yung dynamic ng family namin, 'yun ang mamimiss ko. Working with Eddie Garcia, of course, mamimiss ko silang lahat."
 
Hindi naman itinanggi ni LJ Reyes na bago pa man mag-umpisa ang taping nila noong araw na iyon ay nalulungkot na siya. "Sobrang napalapit na ako sa mga tao sa production na 'to, 'yung mga co-stars ko, so malulungkot talaga ako. Kasi for a time, parang halos araw-araw kami nagte-taping, so halos araw-araw naming nakikita ang isa't isa. Iba talaga ang bonding kapag ganun."
 
For Nova Villa, who plays Mateo's Auntie Ophie, she always looks forward sa kanilang taping days. "From the start, for the past four months, every week, three times a week, nagkikita kami. And then we had Christmas and New Year, you miss your colleagues, looking forward always na sana taping na. We have a very good relationship sa trabaho, everybody is happy to work dito sa Aso ni San Roque."
 
As for her most unforgettable scenes, the veteran actress had this to say."Maraming eksena [akong hindi makakalimutan], lalo na ang mga stunts. I had a scene with a tikbalang, I was inside the van tapos binaliktad niya. Nagkauntog-untog kami doon sa loob, and then [habang] nakabaliktad, lumalabas ako from the top na may tusok ako sa tiyan. Sabi ng iba, 'Ano, sa age ni Tita Nova, nagawa niya pa?' At doon ko napatunayan, kaya ko pa, malakas pa ako."
 
Kahit may back problem ay hindi nakaligtas si Sherilyn Reyes sa mga scenes na kailangan niyang lumipad. "Noong umpisa sinabi ko na na bawal ako i-harness because may back problem ako. Hindi naiwasan na kailangan akong i-crane, eh takot ako sa heights. So medyo na-conquer ko 'yung fear na 'yun. Isa 'yun sa mga achievement ko dito sa show."
 
Bukod sa kanyang dual role bilang ang reporter na si Bernice at ang aswang na si Ornias, hindi makakalimutan ni Rich Asuncion ang isa sa mga eksena niya with Mona. "Pinaka-unforgettable ko 'yung nangyari sa early tapings namin. Kasi may one time na napuruhan ko si Fatima. May eksena na itutulak ko siya, napalakas ang tulak ko. Medyo kinakabahan pa ako noon, di ko pa masyadong tantiya si Mona Louise Rey, kaya nagkamali ako doon. Mula noon, [sinubukan] ko na maging controlled 'yung anger ko, lalo na with the little girl."
 
Isa naman sa mga mamimiss ni Paolo Contis ay ang costume niya as Sento. "Mamimiss ko 'yung costume ko, kasi never ako tumanggap ng project na may constume, ngayon lang. Ang hirap! Nasanay na akong mag-high heels dahil sa costume ko. It was fun wearing prosthetics and a costume."
 
Tulad ni Paolo, ang kakaibang role din as Kanlaon ang hindi makakalimutan ni Gardo Versoza. "Mamimiss ko 'yung kakaibang role, kasi malayo siya doon sa normal na mga characters. Para sa akin kasi masarap din gawin ang mga fantaserye dahil malayo siya doon sa totoong buhay, mas nalalaro mo siya."
 
Huwag bibitaw sa huling linggo ng Aso ni San Roque, weeknights pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com