Showbiz News

Ruru Madrid, kinilalang Most Admired Actor and TV Host of the Millennium

By Jansen Ramos

Hinirang na 'Most Admired Actor and TV Host of the Millennium' ang Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid sa katatapos lang na 3rd Global Trends Excellence Awards. Ginanap ito noong Sabado, November 27, sa Grand Ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City.

Sa kanyang latest Instagram post, nagpasalamat si Ruru sa nasabing organisasyon matapos igawad sa kanya ang parangal, kalakip ng larawan niya kung saan hawak niya ang kanyang trophy.

Sulat niya, "Maraming salamat sa 3rd Global Trends Excellence Awards dahil ako po ang inyong napili para sa parangal na Most Admired Actor and TV Host of the Millennium.

Ayon pa kay Ruru, idine-dedicate niya ang kanyang latest award sa mga walang sawang sumusuporta sa kanya.

Patuloy niya, "Ang mga ganitong uri ng karangalan ay nagsisilbi sa akin na inspirasyon para lalong pagbutihin ang aking ginagawa. Salamat sa lahat ng sumusuporta at patuloy na nagmamahal sa akin. Para po sa ating lahat ang karangalan na ito."

Nagpaabot naman ng pagbati ang kanyang mga kapwa artista, kabilang na ang kanyang bagong leading lady na si Shaira Diaz.

Muling ipapamalas ni Ruru ang kanyang galing sa pag-arte sa upcoming GMA action-adventure series na Lolong. Kuwento ito ng binatang si Lolong na may kakaibang kakayahang makipag-usap sa isang dambuhalang buwayang si Dakila.

Narito ang pasilip sa lock-in taping ng bagong proyekto ng aktor.