Showbiz News

Aiko Melendez, wagi bilang Most Versatile Actress of the Decade sa 3rd Dangal ng Lahi Awards

By Jansen Ramos

Kinilala ang aktres na si Aiko Melendez bilang Most Versatile Actress of the Decade sa Ika-tatlong Dangal ng Lahi Awards na ginanap noong Sabado, November 27, sa Grand Ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City.

Tinanggap ni Aiko ang kanyang award habang suot ang kanyang modern Filipino outfit na gawa ng fashion designer na si Arwin Meriales.

Ayon sa Instagram post ng Prima Donnas star kahapon, isang inspirasyon ang iginawad sa kanyang titulo.

Ika niya, "Maraming salamat po sa Dangal ng Lahi sa pagkilala po sa akin bilang Actress of the Decade.

"Napakalaking karangalan po ito para sa akin. At gagawin ko po itong inspiration. I am humbled."

Muling mapapanood si Aiko bilang Kendra sa ikalawang season ng pinag-usapang Kapuso drama sa hapon na Prima Donnas, na pagbibidahan ng Kapuso teen stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Tingnan ang exclusive behind-the-scenes photos mula sa kanilang lock-in taping dito: