Showbiz News

Kelvin Miranda wants to portray an action hero in a TV or film project

By Jimboy Napoles

Kapuso pa rin ang breakout star na si Kelvin Miranda matapos siyang mag-renew ng management contract sa GMA Artist Center kamakailan. Bilang isa sa mga itinuturing na promising actors ng industriya, pinag-usapan din sa kaniyang naging contract renewal ang kaniyang mga plano at mga susunod na proyekto sa GMA.

Fresh from an afternoon prime series si Kelvin kung saan nakatambal niya ang aktres na si Beauty Gonzales sa Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, patuloy rin ang on-screen tambalan nila ng kapwa Kapuso star na si Mikee Quintos. Ngayon, handa na raw sumabak si Kelvin sa iba pang mga challenging roles, gaya ng isang action hero sa isang series or film project.

"Sa ngayon gusto ko talagang mag-action eh parang gusto ko namang ma-challenge naman ako sa action," ani Kelvin sa isang panayam sa kaniya.

Dagdag pa ng aktor, "Kasi nagte-training ako ngayon ng boxing and kickboxing so parang nagre-ready na rin ako para doon so gusto ko talaga ng action."

Sa ngayon, abala si Kelvin sa kaniyang mga TV guestings, brand endorsements, at paghahanda sa kaniyang mga nakalinyang proyekto.

Samantala, mas kilalanin pa ang kapuso actor na si Kelvin Miranda sa gallery na ito: